Miguel's POV Katulad ng dati ay umaga umaga akong pumupunta kala Ciara. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila habang hinihintay kong umalis ang Tatay ni Ciara. Hanggang ngayon ay galit parin ito sa akin kaya naman nakakapasok lang ako kala Ciara pag wala na ito. Palabas na ang Tatay ni Ciara sa bahay nila at nang nakita ako nito ay nawala ang ngiti nito. Masama ang tingin nito sa akin at tumango nalang ako sa kanya kaya tinalikuran ako nito. Lumapit naman sa may pinto ang nanay ni Ciara para papasukin ako. "Pasok kana, hindi ngayon papasok si Ciara dahil masama ang pakiramdam nito dahil sa pagbubuntis." bungad nito sa akin at hinayaan ako nitong pumasok sa bahay nila. Nakita ko naman si Ciara na kalabas pa lang ng CR. Nagpaalam ako sa nanay ni Ciara na pupuntahan ko si Ciara sa kan

