LMA 09:

1022 Words
•Trayne• Matapos kong maihatid si Yue ay dumeretso na ako sa De Silva Leisure Mansion. Kailangan ko ng tulong ng mga pinsan ko. Hindi ko hahayaan na hindi mahuli ang nagpapadala ng sulat na iyon. Hindi ako natatakot sa mga death threats. Ayaw ko lang na madamay ang mga taong malapit sa akin. "Caleiv, nasaan ang kakambal mo?" agaran kong tanong. Tumaas naman ang kilay nito bago ibinigay sa akin ang glass wine na dala niya. "Hindi ko alam kung nasaan nagpupunta ang Caleb na iyon. Ano ba ang kailangan mo sa kanya at parang nagmamadali ka?" Napabuntong-hininga ako at naglakad papunta sa single sofa. "May mga nagbabanta na naman sa akin—" "Parang wala ka namang pakialam sa mga banta na 'yan dati, Leandro." Napatingin ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon bago tumayo. "May iniingatan ka ba kaya natatakot ka na ngayon?" Napalunok ako dahil biglang pumasok sa isipan ko ang inosenteng mukha ni Yue. Hindi naman sa gusto ko siya ayaw ko lang talaga na madamay siya sa mga gulo sa buhay ko. Hindi ko pa siya lubusang kilala. Payapa ang buhay niya bago siya dumating sa akin at kung ako ang magiging dahilan nang kapahamakan nito ay di ko iyon matatanggap. "Si Lilac ba?" Napangiti ako nang maalala ang babaeng una kong minahal. Kung siguro hindi dumating si Yue sa buhay ko ay patuloy pa rin ako na nagpapakatanga sa pag-ibig ko sa babaeng may mahal ng iba. "Alam mo ba kung nasaan si Caleb?" tanong ko para mailayo ang usapan. Tumawa lang silang dalawa. "Nasa bar ni Greg. Puntahan natin?" Lumapit ako kay Rozen at pinitik ang kanyang noo. "Aray ko, De Silva!" "Gusto mo lang uminom kaya gusto mong sumama." Tumawa lang siya sa tabi at naglakad palayo, bago inilahad ang kanyang kanang kamay. "Car keys!" Napailing ako at kinuha sa bulsa ang mga susi bago ibinato sa kanya. Sinalo naman niya iyon at nauna nang lumabas. "Baliw talaga si Rozen. Alam ko babae na naman ang hahanapin ng lalaking iyon," mahinang saad ni Caleiv. "Hayaan mo na makakarma rin iyon." Sabay kaming natawa at sumunod na rin kay Rozen. — Maingay na tugtog ng musika ang bumungad sa amin pagkapasok namin ng bar. Inikot ko ang aking mga mata para hanapin si Caleb, ngunit iba naman ang nakita ko. Nasa bar counter si Yue habang nakikipag-usap sa isang lalaking hindi ko kilala. Tumatawa ito sa mga salitang binibitawan ng huli. Halos magkadikit na rin ang mukha nilang dalawa. "Naniningkit na iyang malalaki mong mata, Leandro." Nilingon ko si Rozen ngunit ibinalik din kaagad kay Yue ang paningin. Delikado na at baka may masamang gagawin iyong lalaki, lalo na at lasing na ito. Kumuha ako ng wine sa waiter na dumaan at naglakad patungo sa kanilang dalawa. "Me? Wala akong nobyo." Ramdam ko ang pagdikit ng kilay ko sa narinig. Hindi man lang niya ako namalayan na nasa likuran na niya, dahil sa pakikipag-usap sa lalaking nasa harap niya ngayon. "You? Do you want to dance with me?" Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya. Kapag itong lalaking 'to tumayo, masasapak ko talaga ang pagmumukha nito. "Hindi ako marunong sumayaw, babe. " Umuusok ang ilong ko na tiningnan ito. Tumingin naman ito kaagad sa akin na parang nagtataka. Lumunok ito at muling ibinaling kay Yue ang paningin. "Wala ka ba talagang boyfriend—" "Wala nga so tara na sa dancefloor kasi I really want to dance and..." Nanlaki ang mata ko nang biglang natumba si Yue at napahawak sa dibdib nito. "Oops—sorry. Medyo drunk na ako—" humagikhik na saad nito. "Doina Yue Fontanilla!" mariin kong bigkas sa pangalan niya. Lumingon naman kaagad ito sa akin at pinaningkitan ako ng mata. "Alam mo ba ang ginagawa mo ngayon, babae?" Umiling ito at itinuro ako at ang lalaking katabi niya. "Uy, attorney!" nakangiting saad nito. Iyon lang ang sinabi niya bago hinawakan ang kamay ng lalaki at akmang aalis na. Akala niya ba hahayaan ko siyang makasayaw ng iba? Bago pa ito makalagpas sa akin ay hinuli ko na ang kanyang kamay. "Stay, Yue or else—" Muntikan na akong mapahiyaw nang mariin niyang inapakan ang paa ko. Mabuti sana kung hindi matulis ang takong ng kanyang sapatos. "Huwag mo kong ginagalit, Doina Yue Fontanilla." "Attorney, sorry po. Baka po kasuhan kita sa pang—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at inangkin ang kanyang labi. Nabitawan naman niya ang kamay ng lalaking kasama. "Move. Akin ang babaeng 'to. Kapag nakita kita ulit na lumalapit sa kanya ipapakulong talaga kita," seryoso kong saad. Napalunok naman ito bago naglakad palayo. Hahabulin pa sana ito ni Yue nang bigla ko siyang binuhat. Bridal style iyon dahil ayaw kong masuka at mahilo ito kapag binuhat ko siya na parang isang sako ng bigas. "Uy, Leandro, pakilala mo naman kami sa babaeng—" "Next time. May pag-uusapan pa kami nito. Atsaka, Rozen, pakisabi naman kay Caleb na tawagan ako bukas." Tumaas pareho ang kilay nila sa sinabi ko. "Anong mukha 'yan?" "Bakit bukas pa? Pwede naman ngayon? Hindi pa malalim ang gabi, Trayne." Ngumisi ako at tiningnan muna si Yue bago ibinalik sa mga pinsan ko ang aking paningin. "Ipapaalam ko lang sa babaeng 'to na ako lang ang pwedeng magmamay-ari sa kanya." "Alam mo rin pala iyong punishment, Leandro?" tanong sa akin ni Rozen. Tumawa ako at ginawaran ng halik si Yue sa noo na nakatulog na ngayon. "Para lang sa babaeng 'to. Future ko 'to, eh. Ayaw ko ng maghanap ng iba..." Napatigil ako sa pagsasalita bago bumuntong-hininga. "Kaso kailangan pa niya ng training. Maraming walang alam sa mundo." "Huwag mong turuan ng lahat baka maiwanan ka sa huli," turan ni Caleiv. Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Ma-sekreto ang mga babae hindi mo alam isang araw may balak na pala silang iwan ka." Alam ko kung saan niya hinuhugot iyan. Bigla na lang kasi siya iniwan ng asawa at ibinigay na lang siya sa kaibigan nito. "Hindi ko hahayaan na iwanan ako ng babaeng ito, Caleiv. Akin lang ito hanggang sa huli," mariin at seryoso kong saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD