•Trayne•
Marahan kong ibinaba si Yue sa kama at dumeretso na sa closet para kumuha ng towel. Bumalik ako sa tabi niya para tingnan ang sitwasyon niya. Napatigil lang ako nang maalala na baka ayaw ni Yue na bihisan ko habang natutulog siya at walang alam.
Nasa unit lang ako ngayon kaya wala akong mautusan na kasambahay. Wala rin akong kaibigang babae na pwedeng mautusan. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tiningnan ang contacts na naroroon. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Lilac, kung hindi lang sana sila nagkabalikan ni Seve ay pwede ko sana itong tawagan.
"Lilac, napatawag ka?" bungad ko nang bigla kong mapindot ang answer button. "May kailangan ka ba—Yue!"
"Yes po, attorney?" Napalunok ako dahil sa sinabi nito. Para itong nang-aakit dahil sa boses at titig na ibinibigay nito sa akin. "Attorney, mainit po rito."
Hindi ko alam sa babaeng 'to na kahit nakapikit at wala sa wisyo ay alam pa rin niya na ako ang kasama niya.
"Wait for awhile, Yue. May kausap pa ako—" Naputol na naman ang sasabihin ko nang sinamaan niya ako ng tingin.
Hinablot nito sa kamay ko ang cellphone at inilagay iyon sa bibig niya. Pagkatapos ay tinitigan niya iyon nang maigi.
"Attorney Leandro Trayne De Silva, ang haba ng pangalan..." Tumigil ito at mahinang humagikhik. Pinigil kong mapangiti dahil sa ginawa. She's too cute, and I can't handle it. "Ish mine!"
Lasing nga siya nagsisimula na siyang maglagay ng 'H' sa kanyang sinasabi.
"Yue, she's my best friend. Isauli mo na sa akin iyang phone ko at kakausapin ko siya." Tumayo ito sa kama at lumapit sa akin. Napailing ako nang bigla niyang niyakap ang leeg ko at inilagay sa bibig ko ang maliit niyang daliri. "Yue, umayos ka."
"Shh. Huwag kang maingay, attorney. Para akala ng bestfriend mo na natutulog na tayo. Tapos..." Kumunot ang noo habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Tapos papatayin na niya ang tawag."
Di ko na mapigilan ang malakas kong tawa nang umakto pa itong namamatay. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit di ko pa rin mapigilan ang tawa ko.
"Oh! Jealous girlfriend, Trayne? Sige papatayin ko na ang tawag. Ako ang ninang, ah?" Natampal ko ang aking noo nang marinig ang pang-aasar ni Lilac.
"Yue, bumaba ka na diyan at matulog na," mahinahon kong utos sa kanya.
Ngunit hindi naman ito nakinig sa akin at mas ipinagsiksikan ang ulo niya sa aking leeg. Malalim akong bumuntong-hininga dahil sa ginawa nito. Lalaki ako at aaminin ko may iba akong nararamdaman kay Yue. Kaya kahit nakayakap lang ito sa akin ay naaapektuhan na ako.
"Attorney—"
"Stop calling me attorney, Doina Yue Fontanilla," mariin kong bigkas ng mga salita.
"Why naman? I like it kaya." Napailing ako sa sinabi niya. Naririnig ko na naman ang ibang lambing sa boses nito. "I like you, Attorney De Silva."
Hindi pa ako nakakasagot nang idinampi nito ang labi niya sa labi ko. Pinilit kong magtimpi na hindi sagutin ang halik nito lalo na at nasa kwarto kami.
Ayaw kong isipin nito na pinagsamantalahan ko siya habang siya ay lasing.
"Matulog na tayo, Yue," ulit kong saad dito. Hindi ito nagsalita at inilipat lang ang kanyang labi sa aking leeg. Napapikit ako nang sinipsip niya iyon. Magiging dahilan pa yata ng kamatayan ko ang babaeng 'to. "Doina, hindi ka pa ba inaantok?"
Inayos ko ang pagkakapatong niya sa akin at humiga sa kama. Nasa ibabaw ko na ito ngayon at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
"Lasing ka ba talaga? Nire-rape mo na ako, babae." Sinuri ko ang buong mukha nito at baka hindi nga ito lasing.
"Attorney, kasuhan mo nga ako." Nagdikit ang kilay ko nang sinabi niya iyon. Bakit ko naman siya kakasuhan? "At ikulong mo ako r'yan sa puso mo."
Korni man na pakinggan pero napangiti pa rin ako sa sinabi nito. Marahan ko siyang itinulak palayo sa akin para mas matitigan ko ang kanyang mukha.
"Ikukulong talaga kita, Yue..." Malapad itong ngumiti habang tumatango. "Pero hindi sa puso ko."
Nawala ang ngiti nito at napalitan iyon nang malungkot na mukha. Pagkatapos ay humiga ito sa aking dibdib. Kinuha pa nito ang aking kanang kamay at pinahaplos sa ulo niya.
"Saan mo naman ako ikukulong? Tanging kasalanan ko lang naman ay mahalin—"
"Pareho tayong magkukulong dito sa kwarto bukas." Itinaas nito ang kanyang ulo at tiningnan ako ng may pagtataka. Ang namimilog at nagtatanong may medyo kalakihan niyang mata. "Oh gracious, Yue!"
"What? Did I do something wrong sayo?" Nagtatakang tanong niya habang nanatiling nakatitig sa aking mga mata.
Ipinikit ko saglit ang aking mata at nang maikalma ko na ang aking sarili ay tsaka lang ako dumilat.
Malapit nang maputol ang tali ng aking pagtitimpi. Kahit naka-on ang air-condition ay ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking katawan.
"Yue, can I kiss you?" Hinawakan nito ang kanyang labi bago marahang tumango. "Good."
Mabilis kong hinablot ang kanyang batok at ginawaran siya ng mabilisang halik. Ngunit nang hindi makuntento ang labi ko ay binalikan ko ulit iyon.
Savoring every part of it. I love the taste of her lips, mix of cherry and strawberry. It taste good. Napatigil ako sa paghalik nang bigla niyang makagat ang ibaba ng aking labi.
"I'm sorry—"
"Don't worry I'll forgive you. Just kiss me, woman," mariin kong saad. Humagikhik naman ito at siya na ang naunang humalik sa akin.
Ang malambot nitong labi ay nagbibigay ng ibang sensasyon sa aking katawan. Ang mainit naming halikan ay hindi ko alam kung saan hahantong, hanggang sa narinig ko ang boses ni Yue.
"Attorney, inaantok na ako." Hindi ko pa siya nasasagot nang maramdaman ko ang pagbasak ng kanyang ulo sa aking balikat.
Malalim akong napabuntong-hininga sa ginawa nito. Ilang beses ba akong bibitinin ng babaeng 'to?
Sa susunod sisiguraduhin ko talaga na hindi ito makakainom kapag mag-isa kami sa kwarto. Napailing ako sa aking naiisip at inayos ng pagkakahiga si Yue.
Napatingin ako sa dibdib niya nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Caleiv. Masarap daw mahiga sa dibdib ng babaeng gusto mo. Makakatulog ka daw ng maayos. Hindi ko ito nagawa kay Lilac noon dahil hindi ko naman siya pag-aari.
"Let me try. Gusto ko lang maramdaman ang nararamdaman ng mga taong may nagmamahal," mahina kong saad at humiga na sa tabi niya, bago marahang idinikit ang aking ulo sa kanyang dibdib.