•Trayne•
"Sir Trayne," mahinang tawag ni Fiona. Kakapasok ko pa lang sa loob ng kanyang kwarto nang marinig ko iyon. Malapad ang ngiting ibinalik ko sa kanya at lumapit sa kanyang tabi. "Nasaan po si Lady Yue?"
"Nasa kulungan ngayon si Yue." Tumigil ako saglit at tiningnan ang magiging reaksyon niya. Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin at akmang tatayo sa kanyang kinahihigaan ng pinigil ko siya. "Huwag ka munang tumayo, Fiona. Baka mabinat ka. Nag-aalala rin si Yue sa'yo."
Tinampal nito ang kanyang noo bago tiningnan ulit ako. "Sir, kailangan kong mailabas kaagad si Lady Yue, kung hindi ay mananagot ako sa head master."
Seryoso ito. Walang halong biro ang kanyang mga binitiwang salita. May takot din na dumaan sa kanyang mga mata habang nagsasalita.
Gaano kapangyarihan ang angkan ni Yue? Bakit ganito na lamang ang takot ng kaniyang kasambahay?
"Tatawagan ko ang mga pulis para makapagbigay ka ng testimonya. Kailangan mong manatili rito sa hospital, Fiona. Magpagaling ka dahil maraming naghahabol sa buhay ninyo," pagpapaalala ko sa kanya.
Tumango siya ngunit walang buhay na bumalik sa kanyang pagkakahiga. Mas lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Alam kong nag-aalala rin ito sa kanyang amo.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya para tawagan si Caleb ay lumabas na ako.
"Caleb, kailangan ko ang tulong mo," bungad ko nang sagutin niya ang tawag. Napataas ang isa kong kilay nang marinig ang impit nitong ungol. Kung hindi lang ito para sa babaeng importante sa akin siguradong nababaan ko na ito ng tawag. "Huy, De Silva, sagutin mo ako ng maayos o pupuntahan kita d'yan at hahambalusin?"
Ang kaninang maingay na kabilang linya ay biglang tumahimik. Napangisi ako nang marinig ang maayos na boses ni Caleb.
Madali naman pa lang kausap ang taong 'to.
"I don't want to leave Fiona here. Nakabantay si Hades at Persephone sa isang witness habang nandito naman ako kay Fiona—"
"Binantayan ko na iyan kanina—"
"Sinabi ko bang iwan mo? Muntikan na itong mapahamak kanina mabuti na lang at nakarating ako kaagad," putol ko sa sasabihin nito.
"Okay, galit ka na naman kaagad, Tatay Leandro."
"Huwag ka ng pumunta rito. Deretso ka na sa police station. Hindi ko alam kung bakit hindi binantayan ang witness, pero wala na akong pakialam doon ang akin lang ay makalaya na si Yue."
Ang nagdikit ang kilay ko nang marinig ang malakas niyang halakhak. Sa halip na tanungin ito ay kaagad kong pinatay ang tawag. Alam kong aasarin na naman niya ako tungkol kay Yue at wala akong oras para roon.
=
Hinila ko palapit sa aking katawan ang taong katabi ko ngayon. Nakapikit ang aking mata pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi.
Walang pagsidlan ang tuwang lumukob sa aking puso. Kanina ko pa dinala si Yue sa bahay ko at wala akong pakialam kung sa tingin nito ay nagiging clingy na ako. Ayaw ko lang pakawalan siya, ang nais ko lang ngayon ay ang maamoy ang kanyang mainit at mabangong katawan.
Napamulat ako nang biglang may humaplos sa aking mukha. Akala ko ay nagising na si Yue ngunit nakapikit pa rin ito. May luha sa kanyang mga mata habang sinasambit ang aking pangalan.
Pagkatapos ng pagtatanong kanina kay Fiona ay pinuntahan ko kaagad si Yue sa ospital. Ngunit hindi pa rin nito alam na nakauwi na kami dahil natutulog pa ito habang dinadala ko rito.
"T-trayne, huwag mo akong i-iwan dito ka lang," saad nito. Garalgal ang kanyang boses halatang takot na takot.
"Nandito lang ako, baby. Stop crying." Tumigil naman ito sa pag-iyak at mas isiniksik ang kanyang ulo sa aking dibdib. Napangiti ako sa ginawa niya ngunit nawala rin kaagad iyon nang makita ko ang pawisan niyang mukha.
Anong masamang panaginip ba ang nilalabanan niya ngayon? Bakit parang takot na takot ito? Tatayo na sana ako para kumuha ng pamunas nang bigla na naman itong umiyak.
"Baby, wake up," marahan kong gising sa kanya. "Wake up, baby. Paggising mo nandito lang ako."
Kumunot ang noo nito at unti-unting idinilat ang kanyang mga mata. Napangiti ito nang nanlalaki iyon habang nakatingin sa aking mukha.
"T-tahanan ko?" nauutal pa nitong saad, hindi yata makapaniwala na nandito ako sa kanyang tabi. "Why are you here?"
Yumuko ako at hinalikan ang pawisang noo. Nakita ko ang pagpikit niya at iniyakap ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang.
Masarap sa pakiramdam na may taong naka-depende sa iyo. Iyong ikaw ang pinagkukunan niya ng lakas.
"Tahanan ko," tawag nito sa pangalan ko. "Hindi na ba ako ikukulong ng mga blue guys?"
Kumunot ang aking noo dahil sa ginawa niya. Blue guys?
"Blue guys?" paninigurado ko sa aking narinig.
"Iyong mga pulis, but I don't want to call them police kasi scared ako sa kanila." Natawa ako sa kanyang sinabi. I miss her voice, iyong pagko-conyo niya na kinaiisan ko dati tila ba isang magandang musika na ngayon sa aking tainga.
"Hindi ka na nila makukuha ulit sa akin. Akin lang kaya ang Baby Yue ko." Humagikhik ito at umupo sa kama.
Hinalikan nito ang aking pisngi bago yumakap sa akin nang mahigpit. Hindi ko kakayanin na may mangyari na namang masama sa babaeng 'to.
Parang gusto ko na lang na bantayan ito at palaging manatili sa kanyang tabi.
"Masama ba pakiramdam mo?" I asked. Bigla na lang kasi itong ngumiwi at napahawak sa kanyang noo tila ba nasasaktan.
"My head, masakit." Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan ang itinuro nito. "Iyong dito rin masakit. Ito rin, atsaka ito rin."
Marahan kong pinitik ang kanyang ilong nang itinuro niya ang buo niyang mukha. Nawala na nga siguro ang takot nito at nagawa na naman nitong magbiro.
"Do you want me to kiss you, baby?" bulong ko sa tainga niya.
Bumungisngis ito habang sunod-sunod na tumango. Hahalikan ko na sana siya ng bigla nitong inilagay ang dalawa niyang kamay sa gitna namin.
"Bakit?" tanong ko sa ginawa niya.
"But I want to clarify lang, ah. Sa'yo lang ako ganito—"
Malakas akong tumawa at hindi na siya pinatapos sa pagsasalita at kiniliti ang kanyang tagiliran.
Ang masiglang halakhak nito ang lumukob sa buong kwarto na kinasisidlan namin.