•Trayne•
"Nakangiti ka yata. Sinagot ka na ni Lilac?" pang-aasar sa akin ni Caleiv. Binato ko sa kanya ang unan na hawak ko. Napaismid ako ng masalo niya iyon at umupo sa tabi ko.
"Ano nga? May maganda bang nangyari?"
Tumawa ako ngunit nahinto rin kaagad nang lumapit sa amin si Persephone. Nagtaas kilay ito nagtataka yata kung bakit kami tumahimik nang dumating siya.
"May sekreto ba kayong tinatago sa akin, Kuya Trayne?"
Nakataas kilay ito na tumingin sa akin, kaagad akong umiling para hindi na siya magtaka pa.
"Wuy! Si Kuya Trayne at Kuya Caleiv may sekreto. Babae yata dahil hindi siya nagsasabi sa atin."
Nagsilapitan naman kaagad sa amin ang mga pinsan kong tsismoso at tsismosa. Rinig ko pa ang malakas na tawa ni Caleb sa gilid ko, sinamaan ko siya ng tingin sa pagkakaasar ko.
"Persephone, baka si Lilac na naman yan? Nagagalit na si Daddy Zeus, dahil habol ng habol daw siya roon, may asawa na ang ta-"
"Shut up, Tatianna," putol ko sa susunod na sasabihin nito. Iiwan ko naman talaga si Lilac kapag tumino na ang Seve na iyon. Kahit masakit para sa akin na bitawan ito.
"Huwag ka, Yna, nagbago na 'yan hindi daw si Lilac ang rason ng ngiting iyan."
Nanlalaki ang mata nila at nilapit ang mukha sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga to. Bakit ba kasi ako nagpunta dito L'sure De Silva, eh alam ko naman na nandito ang mga walang-hiyang De Silva na'to. Napakamot ako sa batok ko nag-iisip kung ano ang gagawin. Mabuti nalang at may tumawag sa akin.
"Yes, Rey?" tanong ko sa sekretarya ko, alam kong tungkol na naman ito sa kaso. Wala siguro si Attorney Roswell sa firm kaya ako ang tinawagan. "Aalis na ako."
Nakangiti silang lahat at tumango-tango, tila ba may iba akong gagawin. Napailing at hinayaan na lang silang magtawanan doon.
—
"Attorney," nakangiting saad ng babaeng naghihintay sa akin.
"Good evening, miss?" nagtatanong kung saad. Inabot naman nito ang nakalahad kung kamay at nakangiting ibinanggit ang apelyido niya. "So, Miss Gutierrez, ano ang pwede kong maitulong sa inyo?"
"Ang seryoso mo naman, Attorney De Silva. Baka naman pwede muna tayong mag-usap—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinila ko na ang aking kamay na kanina niya pa hinahawakan.
"You're here in my office, as my client, right?" mariin kong tanong sa kanya at umupo na sa aking pwesto. "You need my help that's why you're here. But if your intention why you came is to flirt with me, then I must inform you that you're not my type for me to flirt back."
Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin. Busy akong tao at ayaw kong magulo ang schedule ko dahil lang sa babaeng ito.
"Ang sama mo! Kilala mo ba ako? Isa ako sa mga makapangyarihang—"
"Kilala mo ako?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. Sinalubong naman nito ang aking tingin at tumango. "Kung kilala mo talaga ako, alam mo na wala akong pakialam sa'yo at sa kapangyarihang hinahawakan mo."
Hindi ito nakapagsalita ngunit kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bumuntong-hininga ako at pinindot na ang red telephone para tawagin ang sekretarya ko.
"Palabasin mo na 'to. Wala akong oras sa mga taong 'to," usal ko at kinuha na ang ibang papeles na nasa ibabaw ng aking mesa. Marami pa akong babasahin na mga cases. Marami rin akong client na dapat kausapin, iyong client na seryoso ang problema. "Makakaalis ka na, Miss Gutierrez."
Tiningnan ko si Rey nang pumasok ito at inalalayan na ang babaeng nagsisigaw na palabas. Kaya na gustuhan ko si Lilac dahil hindi siya katulad ng mga babaeng 'to. Napangiti ako nang maalala ang magandang mukha nito.
"Attorney, sorry pumasok po kaagad—" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon at may malapad na ngiti.
"Kilala ko siya," saad ko nang akmang papaalisin niya ito. Humagikhik naman ang una at patalon-talon na lumapit sa aking upuan. "Iwan mo muna kami, Rey."
"Hi!" bati nito sa akin nang makaupo na siya sa upuan na nasa harapan ng aking mesa. "Magre-reklamo sana ako. "
Kumunot ang aking noo at sinuri siya nang mabuti. "May nangyari bang masama sa'yo? May gumawa ba ng masama sa'yo? Sinaktan ka ba nila—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay. "Slowly, slowly, I can't understand. You talk so mabilis." Nasapak ko ang aking noo sa narinig sa kanya.
"Bakit ka magre-reklamo?" simpleng tanong ko sa kanya. Pumalakpak naman ito at tumayo, napataas ang kilay ko sa ginawa nito.
"I want to sue you, for stealing my heart!" abot-tenga ang ngiti nito pagkatapos niyang sabihin iyon. Gusto ko sanang tumawa sa sinabi nito ngunit baka iba naman ang isipin niya.
"Korni," mahina kong saad. Ngunit mukhang may sa tikbalang yata ang babaeng ito dahil narinig niya pa iyon.
"What is corny?" inosenteng tanong nito. "Like sweet corn? Why? Because I'm sweet?"
"Pwede ba na umalis ka na, Miss Fontanilla?" Tanda ko pa naman ang pangalan nito, lalo na at napatawa niya ako sa una naming pagkikita. "I need to work and—"
"Do you want to kiss me?" Napatingin ako sa kanya ng maigi dahil sa kanyang sinabi. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin kagabi. "Do you want to enter my body again?"
Napangiti ako sa tanong nito. May alam ba ang babaeng ito sa kanyang sinasabi? "Alam mo ba kung ano 'yung s*x?" namamanghang tanong ko sa kanya.
"Oo naman!" nakataas-noong sagot nito sa akin. Ngumisi ako habang tumango-tango.
"Ano ba ang alam mo sa salitang iyan, Yue?" nanghahamon kong tanong ulit sa kanya."Tinuruan ka ba ng nobyo mo?"
"Papasok ka lang sa katawan ko para magawa natin—" Dumukwang ako at hinila ang batok niya. Nakita ko pa ang paglunok nito habang nakatingin sa aking mga mata. "What?"
"Do you want to learn?" Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso nito, habang marahang tumango. "Gusto sana kitang turuan kaso tinatamad ako—ouch!"
Napahawak ako sa aking noo nang malakas niyang sinuntok iyon. "Iyan, I teach you na not to make fun with me." Napatawa ako sa sinabi nito lalo na sa pagko-conyo nito. My baby sounds cute.
-
A/n: Pasensya at salamat po sa mga naghihintay ng update. Ito na po hindi po ako magda-daily update sa lahat ng stories ko dahil marami po akong on-going. Kaya sana makapaghintay po kayo salamat.