•Trayne•
Napatingin ako kay Yue nang bigla itong huminto at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Inikot ko muna ang aking paningin bago kinuha ang atensyon niya.
"Why?" marahan kong tanong sa kanya. "Bakit ka huminto?"
"Baka nasundan ako ng mga tauhan ni daddy." Ramdam ko ang kaba niya dahil sa paggaralgal ng boses nito. "Why so early nila kunin ako? I want to enjoy my life pa nga here, eh," maarte nitong saad.
"Tumakas ka sa inyo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng babaeng 'to. Hindi ako makapaniwala na tumakas ito sa kanila lalo na at napaka-inosente nito. "Alam mo ba ang pasikot-sikot dito?"
Tinakpan nito ang kanyang bibig bago humagikhik. "I have Ate Fiona and you."
"Paano ako nasama?" nagtataka kong tanong sa kanya at hinila na siya sa kotse kong nakaparada sa di kalayuan. "Saan ka nakatira?"
"I don't have a home right now. Pwede ka ba—"
"Doina Yue Fontanilla!" mariin kong sambit sa pangalan niya. Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang bigla itong tumalon at itinaas ang kanang kamay.
"That's me. Bakit mo ko tinawag, mahal?" Napangiti ako nang makita ang abot-tenga niyang ngiti. Ngunit nawala rin iyon kaagad na may nakita akong tao na nagtatago sa mga kotseng nakaparada. "Ouch naman! Pwede slowly—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagre-reklamo at patakbong tinungo ang drivers seat. Hindi ko alam kung tauhan nga ba ito ng daddy ni Yue, o mga kalaban ko dahil sa mga kliyenteng nakakasalamuha ko.
"Sa bahay mo ko uuwi?" nakangiti nitong tanong sa akin. Napailing ako at tiningnan ang side mirror ng kotse kong nakasunod pa rin ba ang mga nakita ko kanina. Nang masigurado ko na wala na nga sila ay kaagad kong hininto ang sasakyan at sinagot ang tawag ni Lilac. "Sino 'yan?"
"Lilac, napatawag ka? Bakit ka umiiyak may problema ba?" Patuloy ko lamang na naririnig ang hikbi nito. Sigurado ako na dahil na naman iyon kay Seve. "Pupuntahan kita—"
Napatingin ako sa aking cell phone nang biglang naputol ang tawag.
"G*go!" mura ko sa sobrang inis sa mahal ng babaeng matagal ko ng gusto. "Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?"
Nagningning ang mata nito sabay turo sa akin. "Gagow!" natatawa niyang saad.
Mahina kong isinalpok ang ulo ko sa manibela dahil sa narinig sa kanya. Para siyang bata na walang alam sa mga bagay-bagay at bawat kilos mo ay ginagaya niya dahil sa kyuryusidad.
"Kailangan na kitang iuwi sa bahay mo. May pupuntahan pa akong importante," turan ko at nagsimula nang magmaneho. Nilingon ko siya saglit dahil hindi ito kumibo. "Bakit lukot 'yang mukha mo?"
"Sama ako," nakabusangot ang mukhang saad niya. "Di'ba you're my home? Kaya sayo ako uuwi—"
Hininto ko ulit ang kotse at pinitik ang noo niya. "Kulang ka sa tulog o gutom ka lang talaga?"
"Gusto mo kainin kita—" Napaubo ako dahil sa narinig at mabilis na tinakoan ang bibig niya. Nakakatakot ang lumalabas sa bibig ng babaeng 'to.
"Baliw ka ba? Kababae mong tao, kung ano-ano 'yang lumalabas sa bibig mo." Itinuro nito ang sarili at tinaasan ako ng kilay. "Ano na naman, Yue?"
"Dapat ba lalaki lang iyong pwedeng kumain?" Nasapak ko ang aking noo at nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang kausapin, lalo na at hindi ko matantiya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Yue, bawal mo iyang gawin sa iba. Hindi ka pwedeng magsalita ng gan'yan ka bulgar sa harap ng mga tao," seryoso kong sabi.
"Bakit?" mahinahon nitong tanong.
"Maraming mapagsamatala ngayon, Yue. Lalo na sa mga katulad mo na hindi alam ang takbo ng totoong mundo." Hinawakan nito ang braso ko at tumango. "Mabuti naman at naiitindihan mo—"
"Kaunti lang," natatawang sambit niya. "Too mahaba but I promise to be careful. Nag-aalala iyong future husband ko, eh."
May malapad itong ngiti sa labi na nagpabago nang t***k ng puso ko. Kasabay nito ang malakas na pagbuhos ng ulan. Napatigil ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay, nang maalala ko si Lilac. Baka naulanan na iyon.
Hindi ko na maihahatid pa si Yue kaya isinama ko na siya. Pagkarating namin doon ay kaagad akong kumuha ng payong at bumaba ng sasakyan. Napatigil lang ako nang makita si Seve na tumatakbo papunta sa pwesto ni Lilac nang nakapaa.
Napalunok ako nang makita ko silang nagyakapan sa gitna ng ulan. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing magkasama sila. Gusto man na tanggapin ng isipan ko na may ibang nagmamay-ari kay Lilac, ay hindi naman sumasang-ayon ang puso ko.
Kumunot ang noo ko nang biglang dumilim ang aking paningin.
"Gusto mo bang umiyak? Handa ang kamay ko na takpan ang mga mata mo, para walang makakakita na umiiyak ka," puno ng pag-alala na saad ng taong nasa likuran ko ngayon. "Tahanan ko, nandito lang ako."
Lumingon ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Sobrang liit ni Yue kung ikukumpara siya sa katawan ko, ngunit iyong init na nanggagaling sa kanya ay tila ba apoy na nagpapawala ng lamig sa aking katawan.
Ramdam ko na lang ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi.
"Pasensya ka na at umiiyak ako sa harapan mo, kahit ngayon lang tayo nagkakilala—"
"Shh, you can cry and hug me, whenever and wherever you want, Tahanan ko. I'm happy right now." Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. "Alam mo ba kung bakit?"
Hindi ko na sana siya sasagutin nang bigla nitong kinurot ang aking tagiliran.
"Bakit, mahal na prinsesa?" pang-aasar ko sa kanya. Rinig ko ahg mahinang tawa nito at kinurot-kurot pa ang aking tagiliran. "Masakit 'yan."
"Let me touch you. Libreng tsansing na'to," turan niya. Kaagad akong lumayo sa kanya at pinitik ang kanyang noo. Alam ko na tinuraan na naman ito ng kasama niya. "Masakit 'yon."
"Saan mo natutunan iyang mga salita na 'yan?" tanong ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.
"I heard it. Sa kantong dinaanan namin ni Ate Fiona. Iyong mga tambay doon—"
"Next time, basa ka rin ng libro. Nahuhuli ka na, eh," nakangisi kong saad at hinila na siya pabalik sa kotse.