•Trayne•
Nang maayos ko na sa kanyang higaan si Yue ay binalikan ko kaagad si Fiona na nakatulala pa rin.
"Anong nangyari?" Umiling ito ngunit hindi umiimik. "Fiona? Kailangan kong malaman ang nangyari kanina para maprotektahan ko si Yue."
"H-hindi ko alam. Dumating ako at hinanap si Lady Yue, tapos..." Tumigil ito sa pagsasalita at malalim na bumuntong-hininga. "Sinabi nila hinahanap din nila si Lady Yue."
Napaisip ako kung ano ang kailangan nila sa kanya. Bakit takot na takot kanina si Yue habang tinatawagan ako.
"Uuwi muna ako. Babalik ako mamaya para—"
"May tinuro kanina si Lady Yue sa akin pero hindi ko iyon nakuha." Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya.
Isa ba iyon sa mga dahilan kung bakit ito hinahabol? Kung bakit ito ng hihingi ng tulong sa akin?
"Saan? Ano iyon?" tanong ko.
"Doon sa kinatatayuan namin kanina may mga mayayabong na tanim doon. Sa likuran ko kanina iyon ang tanim na itinuro ni Lady Yue sa akin."
Tumango ako at tumakbo na sa labas. Pa-gabi na rin pero hindi ko pwedeng ipagliban ang pagpunta roon. Paano si Yue kung mahuli ako kahit isang saglit lang?
Kailangan kong mahanap kaagad iyon. Mabilis kong ipinarada ang aking sasakyan at mabilis na bumaba. Hinanap ko ang lugar na sinasabi ni Fiona, ngunit hindi pa ako nakakaabot nang may tumawag sa akin.
"Yue? May problema ba? Gabi na matulog ka na—"
"Trayne, help me." Napakunot ang aking noo sa tono ng boses niya. Katulad iyon kaninang umaga. "Sabi nila papatayin daw nila ako."
Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang garalgal at impit na iyak nito. Hindi maaaring nasa bahay niya ang mga taong iyon?
"Wala rito si Lady Yue—aah!" Boses iyon ni Fiona ang aking narinig at halakhakan ng mga lalaki.
Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang business phone ko. Ginagamit ko lang ito para sa mga kliyente ko, ngunit kailangan kong tawagan ang pulis gamit ang cellphone na ito para hindi mapatay ang tawag kay Yue.
"Stay with me, Yue. Magtago kayo kung kailangan." Walang sumagot sa kanila Yue, hindi ko alam kung hindi niya ba naririnig ang sinasabi ko o ayaw niya lang gumawa ng ingay.
Napatingin ako sa kabilang kamay nang may sumagot sa tawag ko roon.
"111, emergency?" bungad na tanong nito.
"Crown Regency Village, house number 154. May mga taong pumasok sa bahay ng nobya ko. May dalang mga armas," seryoso kong saad.
"Sir, pwede niyo po bang sabihin kung anong armas ang dala nila."
"You need to go there now or else someone will die, please. Save my girlfriend, save them."
Bumibigat ang aking dibdib habang naiisip ang mukha ni Yue ngayon. Ang inosenteng mukha nito. Wala itong kaalam-alam sa kasamaan ng mundo pero nasangkot ito sa ganitong bagay.
Mabilis akong sumakay sa kotse at nagmaneho na patungo sa bahay nila. Mas malapit ang mga pulis kaysa sa akin kaya sigurado akong maililigtas nila ito.
"Yue, papunta na ang mga pulis. Ililigtas nila kayo."
Ilang minuto lang ay nakarinig na ako ng ingay na nanggagaling sa sasakyan ng mga pulis. Nakahinga ako nang malalim ngunit nawala rin kaagad nang marinig ko ang boses ni Yue.
"No! Hindi ako ang sumaksak kay ate Fiona. I won't do that to her, officer." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano nangyari iyon?
—
"Ako ang tumawag sa inyo kanina. Bakit niyo hinuhuli ang girlfriend ko?" tanong ko ang pagkababa ko sa aking sasakyan.
Napatingin sa akin si Yue na nanlalaki ang mata. Itinulak nito ang mga pulis na nakahawak sa kanya at patakbong lumapit sa akin.
Hilam sa luha ang kanyang buong mukha. Sinubsob nito sa aking dibdib ang kanyang ulo habang sinasabi ang mga salitang 'hindi ko iyon magagawa'.
"Sir, mali po kayo ng impormasyong ibinigay sa amin. Wala pong pumasok sa loob ng bahay ni ma'am sa halip po siya ang nakita naming nasa tabi ng kanyang kasambahay na may saksak sa tagiliran." Tiningnan nito si Yue na nakahawak sa akin. "Ma'am, sumama po kayo sa akin sa presinto."
"Trayne, you trust me naman hindi ba? Alam mo naman na di ko iyon magagawa 'di ba?" naghihisterikal nitong turan. "I can't even kill a single mosquito—"
"Shh, tahan na, Yue. Pangako ko sa'yo malalaman nila ang katotohanan. Naniniwala ako sa'yo, Yue."
Hinalikan ko siya sa noo para kahit papaano ay mawala ang pangamba niya.
Kumalma nga ito at binigyan na lamang ako ng isang malungkot na ngiti. Sumasakit ang puso ko habang tinititigan ang mukha nitong wala na ang dating saya.
"Please, save Ate Fiona," mahinang saad nito at umatras na palayo.
Gusto ko itong hilahin at ilayo roon ngunit hindi iyon pwede at baka maghinala ang mga pulis.
"Nasaan si Fiona?" tanong ko sa isang officer na nasa di kalayuan at nag-iimbistiga.
"Dinala na po siya sa isang malapit na hospital." Malapit na hospital? Sa kanila Seve lang ang alam kung pinakamalapit dito.
Nagpasalamat lang ako sa kanya at patakbong tinungo ang sasakyan. Pangako na mananagot ang mga gumawa nito.
Tinawagan ko muna si Hades dahil mas malapit kay Seve kaysa sa akin.
"Kailangan ko tulong mo, Hades. Huwag mo na lang munang sabihin kay Persephone at baka sabihin niya kay mama."
"Anong nangyayari, Leandro?" tanong nito.
"Pwede bang pakitanong kay Seve kung may Fiona Rima silang pasyente?" Alam ko na hindi lang ito ang gagawin ng mga gumugulo kay Yue.
Sigurado akong babalikan pa nila si Fiona para patayin at hindi ko iyon hahayaang mangyari.
"Tatawagan kita ulit kapag nakausap ko na si Seve." Napatango ako kahit hindi niya ako nakikita.
Pinatay ko na rin ang tawag para magpokus sa pagmamaneho.
Sanay akong humawak ng mga kaso. Maliit na bagay lamang para sa akin ang mga kasong ibinibigay sa akin. Madali ko iyong nalulutas, ngunit nang si Yue na ang nasangkot parang guguho ang mundo ko.
Natatakot akong kumilos baka isang pagkakamali ko lang may mangyaring masama sa taong mahalaga sa akin. Takot akong mawala ang magandang ngiti sa labi niya. Ayaw kong masaktan ang nag-iisang babaeng nagpapasaya sa akin. Ang isang Doina Yue Fontanilla!
Hininto ko ang sasakyan at malakas na sinuntok ang manibela. Sisiguraduhin kong magsisisi ang gumawa nito sa kanya.