•Trayne•
Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa hospital bed at sobrang putla ng mukha. Kailangan magising ni Fiona para mailigtas namin si Yue.
Tinawagan ako kanina ni Hades at sinabi nga nito na nandito naka-confine si Fiona. Pabagsak akong umupo sa sofa habang iniisip ang susunod kong gagawin.
"Leandro, bukod kay Lilac may iba na bang nagpapalungkot sa'yo ngayon?"
Napalingon ako sa taong nagsasalita. Hindi ko man lang namalayan ang presensya nito. Pinahid ko muna ang luhang sunod-sunod na pumatak sa aking mukha.
"Mahal mo ba ang babaeng iyan?" Malungkot akong napangiti sa sinabi ni Caleb. "Anong ibig sabihin ng reaksyon mo na iyan?"
"Wala akong gusto sa babaeng nasa harapan natin ngayon, Caleb. Ngunit siya lang ang makakatulong sa akin para mailigtas ang babaeng mahal ko—"
Napatigil ako sa pagsasalita at kinuha ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.
"Attorney Leandro De Silva, speaking—what?!" Di ko mapigilang mapasigaw sa balitang aking narinig. "Anong nangyari? Bakit nasa hospital? "
Nagtatanong ang mukhang tumingin sa akin si Caleb, ngunit hindi ko na siya nasagot dahil sa labis na pag-alala kay Yue.
"I need to go. Pakibantayan muna si Fiona, Caleb."
"Anong nangyayari sa'yo, Leandro?" Umiling ako at nagmamadaling tinungo ang pinto. "Saan ka pupunta?"
"Public hospital. Kailangan kong puntahan ang nobya ko." Hindi ko man nakausap si Yue tungkol sa relasyon naming dalawa, ngunit simula kahapon hindi ko na mapigilan na tawagin siyang nobya sa harap ng ibang tao.
—
"Anong nangyari?" tanong ko sa nurse na nabungaran ko. Mabilis akong lumapit sa kama ni Yue at hinawakan ang kanyang kamay. "Bakit may mga pasa siya?!"
Kita ko ang pagtalon nito sa gulat dahil sa biglaan kung pag-sigaw. Napahawak ako sa aking dibdib at dahan-dahang pinakalma ang aking sarili. Ramdam ko pa rin ang pagtaas-baba nito, ngunit unti-unti na naman iyong humihina.
"I'm sorry for being rude. Kinakabahan lang ako sa nangyari sa girlfriend ko." Nakakaintindi naman itong tumango at tiningnan ang notes niya.
"Dinala po siya rito ng mga pulis dahil bigla na lang po itong hinimatay dahil sa taas ng lagnat."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Dahil ba iyon sa ginawa namin kahapon? O stress lang talaga ito?
Naikamot ko ang kaliwa kong kamay sa aking batok sa sobrang inis.
"I'm sorry, Yue," bulong ko sa kanya. Sinusuklay ko ang kanyang buhok para malaman niyang nandito lang ako. "I'm sorry dahil hindi kita na-protektahan—Yue?"
Ngumiti ito nang tinawag ko ang pangalan niya. Dama ko ang paghihirap niya sa ngiting ibinigay niya sa akin.
"Why are you here? Wala ka bang work?" mahinahong tanong niya.
Umiling ako kaagad at inilapit ang kamay niya sa aking labi. Marahan ko iyong hinalikan na naghatid ng ngiti sa kanyang labi.
Paano naman ako makakapagtrabaho kung ang tanging pumapasok sa isipan ko ay ang malungkot niyang mukha.
"Ayaw kong iwan ka rito ng mag-isa." Napapikit ako nang hinaplos niya ang aking mukha. Ang malambot nitong kamay na dumadampi sa aking balat ay nagpapawala sa bigat na aking dala.
"Kailangan mong magtrabaho, Tahanan ko. 'Diba sabi mo iaalis mo ako rito?" Idinilat ko ang aking mata at tiningnan siya nang maigi. "I don't want to stay here, Trayne. Please..."
Pinahid ko ang luhang dumaloy sa kanyang mukha na galing sa kanyang matang namumula na dahil sa pag-iyak.
"Sir, kailangan niyo nang umalis. Tapos na po ang visiting hours." Umiling ako sa sinabi niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Yue.
Ramdam ko ang kaba nito dahil sa panginginig ng kanyang kamay, ngunit binigyan niya pa rin ako ng isang ngiti.
Sabihin mo na mananatili ako sa tabi mo. Sabihin mo lang na ayaw mong umalis ako. Kaya kong gamitin ang impluwensiya ng pamilya ko para makasama ka Yue.
"You need to go na. Balik ka bukas, ah? I'll miss you."
"I can stay here if you want, Yue. I just need to call—" Napapikit ako nang bigla na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang babaeng mahal ko.
"I don't want you to leave me here. Alone. But, Trayne, I need your help. Ikaw lang ang makakatulong sa akin para makalabas ako sa kulungan. Dahil..." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingala. "Dahil wala sila daddy dito."
Hinalikan ko siya sa noo at tumango. Nagpaalam na rin ako sa kanya na aalis na. Kailangan ko pang balikan si Fiona sa hospital para alamin ang kalagayan nito.
—
Nagdikit ang aking kilay nang makitang nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Fiona. Hindi ba ito isinarado ni Caleb?
"Kahit kailan talaga, Caleb—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may may lumabas na doctor mula sa kwarto ni Fiona.
Hindi ko sana ito papansinin ngunit hindi mawari kung bakit may kaba sa mga mata nito habang tinitingnan ang paligid.
Hinawakan ko ito sa braso at inikot para mapaharap sa akin.
"Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ng kaibigan ko?" Tinanggal ko ang mask nito at seryoso siyang tinitigan.
Namutla naman ito at akmang tatanggalin ang aking kamay na nakahawak ng mas lalo ko iyong hinigpitan.
"Sir, doctor po ako rito. Trabaho ko po na i.check ang aming mga pasyente—"
Hindi ko pinansin ang paliwanag niya at tinawag ang isang nurse na papalapit sa amin.
"Please call Doctor Sven. May importante akong itatanong sa kanya." Nakita ko ang paglunok nito nang umalis ang nurse na inutusan ko.
Susuntukin na sana ako nito nang sinalo ko ang kamay niya at sinipa siya sa tagiliran. Muntikan na itong matumba kung hindi ko siya hawak-hawak.
"Leandro? Anong nangyayari?" tanong sa akin ni Sven nang makarating siya sa pwesto namin. May kasama itong dalawang armadong guards.
"Kilala mo ba ang doctor na ito?" mariin kong tanong.
Iniwas naman ng doctor na hawak ko ang ulo niya. Inis kong hinawakan ang panga nito at hinarap kay Sven.
Nagdikit naman ang dalawang kilay nito na tinitigan ito ng husto.
"Pangalan?" Hindi ito sumagot kaya mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa pisngi nito.
Nanlalaki ang mata ko nang bigla nitong tinanggal ang kamay ko sa kanyang panga at lumuhod sa harap namin.
"Inutusan lang po ako—"
"The f*ck!" Tinulak ko ito patungo sa mga guards at tinakbo ang kwarto ni Fiona. "Sven, save her. Importante siyang tao."
Tumango si Sven at lumapit sa kama ni Fiona.
"Sir, wala po akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko po nagawa ang pinag-uutos sa akin dahil natakot po ako."
Nakahinga ako nang maluwag at lumabas ng kwarto.
"Sinong nag-utos sa'yo?" Napalunok ito nag-iwas na naman ng tingin. "Uulitin ko. Sino ang nag-utos sa'yo?!"
"H-hindi ko po sila kilala. Pero may usapan po kaming magkikita mamaya. Patawarin niyo po ako."
"Good. Papatawarin lang kita kapag nahuli ko ang nag-utos sa'yo," mariin kong saad.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa'yo Yue. Pangakong magbabayad sila sa kasalanan nila sa'yo.