Chapter-5

1711 Words
"Tatlong araw mula ngayon, tutungo ako sa Europe. May mahalaga akong business trip doon. At susunduin ko rin sa New York ang kapatid kong si Dael." Panimula niya nang magtungo sila ni Bella sa loob ng library para pag-usapan ang tungkol sa kasal nila. Nakaupo ang dalaga sa malaking sofa, katapat ng pang-isahang sofa na kinauupuan niya. Nakatingin ito sa kanya. Napaka-inosente ng mga mata nito. Bagamat naroon pa rin ang lungkot. Bella Ramos is an 18-year-old orphan. Ulila na nang lubusan ngayon ang magandang dalagang nasa harapan niya. Sa murang edad nito, masasabi niyang may angking kagandahan ang dalaga. Sabihin na nating malayo sa mga sophisticated and liberated na babaing nakakasalamuha niya sa iba’t ibang bansa at lugar sa Pilipinas. But, there is something special sa ganda at appeal ni Bella. Nararamdaman niya iyon bilang isang lalaki. She has a s*x appeal at her young age. Yes, s*x appeal. 'Yung tipong isang tingin mo lang, kayang gumising ng natutulog na mabangis na cobra. Even without showing too much skin. Matangkad din ito, nasa 5'3" or 5'4", tama sa height niyang 6'2". Katulad na lang ng suot ng dalaga ngayon: crop top blouse and tight jeans. Simple, pero nagpapakita ng tamang hubog ng batang katawan nito. Bella has a petite body. Hindi kalakihan ang mga dibdib nito, but she has curves. Long hair na may pagka-brown ang kulay. Alam niyang bata pa lang si Bella, may natural nang kulay ang buhok nito. Isa sa mga katangiang hindi niya nakalimutan sa paglipas ng mga taon. Perfect eyebrows, at bilugang mga mata. Maliit but matangos na ilong. Maganda ang hugis at mapula-pulang mga labi. Wala siyang mapipintas sa makinis na mukha ni Bella. Isama pa ang maputing balat nito na napaka-fragile tignan. Naalala nga niya nang hawakan niya ang braso ng dalaga noong nawalan ito ng malay, agad niyang nakitang bumakas ang mga daliri niya sa balat nito at namula iyon. Kung ire-rate niya ang stepsister niya bilang babae, siguro 7 out of 10. Why? Because, overall maganda at sexy plus the appeal. Yung natitirang 3? Reserved iyon sa performance sa kama. At sa kung paano niya isisigaw ang pangalan ko. Bagay na alam niyang imposible sa ngayon. Dahil kahit magiging legal niyang asawa si Bella, napakabata pa rin nito para gawin niya sa dalaga ang s****l activities na ginagawa niya sa mga babaing dumaan sa kanya. Isama pang she is a virgin. Sigurado siya at naniniwala siya sa sinabi ni Bella sa kanya na wala pa itong naging nobyo sa edad nitong eighteen. Isa pa, kilala niya ang Tito Franco niya. Mahigpit at talaga namang hindi nagkulang sa paalala sa nag-iisang anak nito. Sa tuwing nakakausap kasi niya ang Mama niya, laging kinukwento nito ang mag-ama sa kanya. Kaya naman kahit malayo siya at halos hindi man nakakapasyal sa San Miguel, updated siya sa pamumuhay ng mga ito, lalo na pagdating kay Bella, na laging kinukwento ng Mama niya. Ngayong magiging asawa niya ang dalaga na halos pitong taon ang agwat ng edad nila, hindi niya ito pwedeng biglain. Kahit sabihin pang ang isa sa dahilan ng pagpayag niya sa kasulatan ng Tito Franco niya ay ang matikman at maangkin si Bella. Hindi naman niya basta-basta magagawa ang bagay na iyon, lalo na't napakabata pa ni Bella kumpara sa kanya. Lalo na pagdating sa s****l experience, talagang malayo sila ng dalaga. He lost his virginity at the age of sixteen sa isang kaklase sa New York. At that young age, nagsimula na ang s****l activities niya without getting into a relationship. Isa sa pinaka-iniiwasan niya ay ang pumasok sa relasyon. He hates commitment. Ayaw niya ng sakit ng ulo, lalo na't iisa lang din naman ang habol niya. s*x, and that's it. "Talaga bang gagawin mo ito, Enzo?" Banayad na tanong sa kanya ni Bella, na siyang nagpabalik sa kanya sa malalim na pag-iisip. Humugot siya ng malalim na paghinga at sumandal sa kinauupuan. Kinailangan pa niyang ipag-krus ang mga hita para maitago ang unti-unting gumigising na kaibigan sa loob ng trouser niya. Kahit papaano, ayaw niyang matakot ang dalaga sa kanya. "Yes, Bella. Tutuparin ko ang kahilingan ni Tito Franco sa akin." "Pwede ko bang malaman kung bakit ka pumapayag, Enzo?" "May dahilan ako, Bella, at sasabihin ko iyon sa iyo soon. Sa ngayon, ang main reason sa ginagawa ko ay ang may masasandalan ka, patuloy kang makapag-aral, may matirhan, at syempre para mapanatili mo ang lifestyle na nakasanayan mo," sagot niya sa dalagang napaka-inosenteng nakatingin sa kanya. Banayad itong tumango na may lungkot sa mga mata. "Bukas na ang kasal natin. Ang nakita mong kausap ko kanina ay siyang mag-aayos ng kasal natin." Tango lang ang sinagot nito. Kaya naman nagpatuloy siya. "Pagkatapos ng kasal, isasama na kita. Pansamantala kang aalis ng San Miguel." Napaangat ito ng ulo at napatitig sa kanya ang bilugin nitong mga mata. Nakabuka ang mga labi. Napalunok pa siya nang mapasulyap sa mga labi nitong parang ang sarap halikan. "Sasama ako sa iyo?!" Gulat na tanong nito. "Yes, Bella. Kailangan kitang isama, dahil asawa na kita." "You mean... Kailangan nating magsama bilang totoong mag-asawa?!" "Yes, Bella." "Ano?!" Napalakas pang tanong nito, sabay tayo sa kinauupuan. Hindi naman niya maiwasang mapasulyap sa flat nitong tiyan na bahagyang lumitaw pa ang pusod. Bumaba pa ang mga mata niya sa tight jeans nito kung saan nababakas ang maliit nitong p********e. Pinikit niya ang mga mata saglit, nais pakalmahin muna ang sarili. Bella is different. Hindi ito tulad ng mga babaing isang sulyap lang niya ay alam na ang signal. "Enzo, hindi ako pwedeng sumama sa iyo." "Why not?" He asked and looked at her beautiful face. Her eyes frightened. "Kung sasama ako sa iyo after ng kasal, paano ang pag-aaral ko?" "Ang taong kasama ko kanina sa coffee shop na ang bahala sa lahat ng iyan, Bella. Siya na ang mag-aayos sa transcript mo. Lilipat ka ng eskwelahan." "Ano?!" Hiyaw nito. Alam niyang sa gagawin nilang pagpapakasal, marami ang magbabago sa buhay ni Bella. Hindi lamang ang apelyido nito ang mababago, kundi pati na ang tahimik na pamumuhay nito. Ang environment nito. Ang mga kaibigan nito. "What do you mean?" Bella asked. "After our wedding tomorrow, isasama na kita sa bahay ko sa San Ignacio. Doon ka na titira, Bella. Mag-aaral ka na rin mula ngayon sa San Ignacio University." Napapailing naman ito sa mga sinasabi niya. Nakitaan ng tila nahihirapang intindihin ang mga nangyayari rito. Buo na ang pasya niya. Isasama niya si Bella sa bahay niya. Bilang magiging asawa nito, may karapatan siyang itira sa bahay niya ang dalaga. Gagawin niya ang bagay na iyon para makasama ito, hindi para magampanan nito ang papel bilang asawa niya. Nais lang niyang makasama at mabantayan ito, lalo na dala na nito ang pangalang De Silva. Binagsak ni Bella ang katawan paupo sa sofa. Nayuko ito ng ulo at mariing pinikit ang mga mata. Alam niyang hindi madali para kay Bella ang nais niyang mangyari sa kanila. Alam din niyang walang magagawa ang dalaga sa ngayon. Hindi pa nito kayang tumayo sa sarili nitong mga paa. Isama pa ang mga utang na nasa balikat nito, kaya kahit ayaw nito, paniguradong hindi ito makakatanggi. "Ayoko. Pero wala akong magagawa." Nakayuko ito. Humugot siya ng malalim na paghinga. Ginagawa niya ito hindi para pahirapan ang dalaga. Nais lang din niyang maprotektahan ito. Wala sa San Miguel ang trabaho niya. Masyadong malayo kung uwian siya ng San Ignacio at San Miguel. Siya ang nagpapatakbo ng malaking kompanya ng ama, ang De Silva Company. Isang malaking construction company sa bansa, at may partnership din sa bansang Europe. Sa ngayon, siya pa lang at ang ama ang nagpapatakbo ng kompanya. Bilang panganay na anak ni Lorenzo De Silva sa nauna nitong asawa na si Imelda, nasa kanya ang lahat ng karapatan na maging kanang kamay ng ama, lalo na't ang sumunod sa kanya na si Dale Lorenzo De Silva ay isang bente uno anyos pa lamang at kaka-graduate pa lang sa New York bilang isang Civil Engineer. Matapos nitong makakuha ng degree, makakatuwang na rin nila ang kapatid sa kompanya. May dalawang anak ang ama sa ikalawang asawa nito. Si Dale, bente uno, at si Annika na kinse anyos pa lamang at kasalukuyang isang high school student sa San Ignacio University. Maganda naman ang relasyon niya sa mga kapatid, pati na sa kasalukuyang asawa ng ama. "I'm sorry, Bella," tanging nasabi niya sa dalaga. Wala naman kasi siyang ibang masasabi pa sa biglaang pagbabago ng buhay nito. Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya. May kakaiba talaga sa mga inosenteng mata nito. "Kailangan kong sumunod sa gusto mo, Enzo. Alam kong wala ka ring magagawa sa nangyari. Hindi mo matatanggihan ang kahilingan ng Daddy ko." "Kaya kong tanggihan kung gusto ko. Iniisip ko lang kung saan ka pupulutin. Kung ano ang mangyayari sa iyo kung sakaling pabayaan kita," tugon niya. "Naisip mo ba kung anong mangyayari sa iyo kung sakaling iwan kita sa ere?" Tanong niya sa dalaga. "Ayokong isipin," malungkot na sagot nito habang nakatingin sa kanya. Puno ng takot at lungkot ang mga mata nito. Matinding pagpipigil ang ginawa niya sa sariling huwag yakapin ang dalaga. "Bukas ng alas nuwebe gaganapin ang kasal natin sa isang judge. Sa ngayon, simpleng kasal lang muna ang magaganap. Wala kasi akong panahon para sa isang engrandeng kasal." Tango lang ang sinagot nito. Marahil hindi naman ito umasa ng anumang engrandeng kasal mula sa kanya. "Thank you, Enzo, for helping me. I hope one day I can pay you back," seryosong pasasalamat nito sa kanya. Ngumiti siya. Sa likod ng isipan, nais isatinig na sapat na ang isang mainit na honeymoon sa kanya. Hindi siya nanghihinayang sa ilang milyong ilalabas para kay Bella, kung isang hot and steamy honeymoon ang kapalit. Lalo na't Bella is 100% virgin. Kung sakali, siya ang unang lalaking makakatikim sa magandang katawan ng dalaga. Siya ang unang magpapasarap sa untortured body nito. Isipin lang ang bagay na iyon ay panalo na siya. Iyon nga lang, hindi niya alam kung kailan makukuha ang kabayarang inaasam-asam. *He is willing to wait. Pero pag dumating na ang araw na iyon... God help her. Because I won't stop until she's screaming my name.* Bella Ramos will be his forever. And he can't f*****g wait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD