Patuloy ang pag-angkin niya sa mga labi ni Bella. Hindi na nga niya namalayan na naisandal na pala niya ang asawa sa dingding. Itinulak niya nang marahan ang balikat ni Bella hanggang sa dumikit ang likod nito sa malamig na pader. Ramdam niya ang pagkabigla nito sa ginawa niya. Nanigas ang katawan ni Bella sa ilalim ng mga palad niya. Siya man ay nagulat sa biglang paghalik sa asawa. Hindi kasi niya napigilan ang sarili. Mula pa kaninang makita si Bella suot ang white dress ay nais na niya itong halikan sa mga labi. Ilang araw na ring gumugulo sa isip niya ang mga labi ng asawa, ninanais na mahalikan niya. Kanina sa harap ng judge ay hindi niya nagawa ang nais na paghalik sa asawa. Nagtiis lang siya. Tumikhim ang judge. Until now, siya na mismo ang umakyat sa silid ni Bella para kunin

