Kinabukasan, sabay na sila ni Enzo na umalis ng VincElla Hotel. Uuwi muna sila sa bahay para makapaghanda siya sa kasal nila. Halos hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip. Ang daming gumugulo sa isip niya. Nakadagdag pa ang Shopie na tumawag kay Enzo. Matagal-tagal din ang pag-uusap ng dalawa, kaya naman kung anu-ano ang pumasok sa isipan niya. Nang matapos makipag-usap si Enzo ay nagyaya na itong magpahinga. Medyo na-disappoint siya. Hindi naman niya inaasahan na itutuloy nito ang naudlot na paghalik sa kanya. Sadyang na-sad lang siya at hinayang na hinayang. Sa sofa nahiga si Enzo. Tinuro niya ang kama at sinabing, “Diyan ka na. Maluwag naman.” Umiling si Enzo at umupo sa sofa. “Ok lang ako rito,” sagot nito habang inaayos ang unan. Halata niyang hirap ito sa sofa, dahil malaking ta

