Chapter-2

1005 Words
"Ano?" Gulat na tanong niya matapos marinig ang sinabi ng abogado ng Daddy niya. "Paki-ulit nga po, Mr. Ynez? Parang imposible po kasi ang mga nakasulat diyan!" Sigaw niya. Sinulyapan si Enzo na kampanteng nakaupo sa kabilang sofa, katapat niya. Hapon na nang dumating si Enzo. Hinintay pa nila ito. Gusto kasi ng abogado na nakaharap din si Enzo kapag binasa ang will and testament ng Daddy niya. Nagtaka siya. Bakit kailangan pang nandito si Enzo? Hindi naman sila ganoon kayaman para may maipamana pa kay Enzo. Isa pa, mas mayaman si Enzo kaysa sa Daddy niya. Hindi nito pag-iinteresan ang kahit anong kakapiranggot na mana. Pero sinang-ayunan niya ang gusto ng abogado. "Ms. Bella, I am sorry pero iyan talaga ang nakasaad sa dokumento ng Daddy mo. Naisanla na ng iyong ama sa H. Dela Serna Bank ang bahay at lupa na ito. Nalugi ang negosyo niyo. Naibenta na rin ang buong Bella's Building matapos maloko ang Daddy mo sa bagong negosyo na sana'y itatayo. Kaya kahit itong bahay at lupa niyo, naisanla na niya para mamuhunan ulit at makabawi. Ngunit huli na ang lahat." Huminto si Mr. Ynez at tumingin sa kanya nang diretso. "Maliban diyan, may monthly pang binabayaran ang ama mo sa kaparehong banko. Kailangan mong bayaran, Bella, ang utang na iyon buwan-buwan." Nanlumo siya. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang isasagot. "Kung may tanong ka pa, si Enzo na ang sasagot sa iyo. Hanggang dito na lang ang trabaho ko bilang abogado ng yumaong ama mo. Naibigay ko na rin kay Enzo ang sulat na iniwan ng Daddy mo noong isang araw, kaya alam na niya ang sasabihin sa iyo," litanya nito habang nagliligpit ng gamit. Mabilis itong nagpaalam at lumabas ng library. "What?" Naguguluhang bulong niya. Sinundan niya ng tingin ang abogadong papalabas. "Anong nangyayari?" Humarap siya kay Enzo na tahimik lang na nakaupo. "Enzo, anong sulat ang iniwan sa iyo ni Daddy?" Humugot ito ng malalim na hininga at sumandal sa upuan. Diretsong tumingin sa mga mata niya. "Bago natin pag-usapan iyon. Nais ko munang marinig sa iyo kung ano ang plano mo?" Ano nga bang plano niya ngayong wala na sa kanya ang lahat? Wala na ang Daddy niya. Wala na rin ang bahay at lupa nila. At worst, may utang pa siyang dapat bayaran buwan-buwan. Saan siya kukuha ng pera? Wala siyang trabaho. Estudyante pa lang siya. Second year college sa kursong Accountancy. Pati pag-aaral niya, nanganganib na. "I don't know," amin niya at nagyuko ng ulo. "Wala ka bang maisip na solusyon?" "Nothing," mabilis na sagot niya. Wala siyang malalapitan. Nag-iisang anak ang Daddy niya. Wala na rin ang mga lolo at lola niya. May mga pinsan ang Daddy niya, pero sila pa nga ang lumalapit sa ama niya noon. Imposibleng may tutulong sa kanya ngayon. "I can't believe this is happening to me. Kamamatay lang ni Daddy. Ngayon naman, panibagong problema na naman ang kakaharapin ko mag-isa," naiiyak na sambit niya. Kahit naman siguro sino, iiyak sa sitwasyon niya ngayon. Mawawalan siya ng tahanan at may utang pang kailangang bayaran buwan-buwan. "I am only eighteen years old. Nagsisimula pa lang ako," dagdag niya, at tuluyan nang napaiyak. "Ang bagay na iyan pa ang iniisip mo ngayon?" May talim na tanong ni Enzo. Masamang tingin ang pinukol niya rito. "Ano ba ang iniwan sa iyo ni Daddy?" Inis na balik niya. Bumuntong-hininga si Enzo saka hinila ang isang puting sobre sa mesa. Tinulak iyon palapit sa kanya. "Ano ba 'to?" Kinuha niya ang sobre. Hindi na siya sumagot. Binuksan niya agad at hinugot ang papel sa loob. Kumunot ang noo niya nang makita ang sulat-kamay ng Daddy niya. "Binasa mo na 'to?" Tanong niya habang nakatingin kay Enzo. "Once," tipid na sagot nito. Bumuntong-hininga siya at sinimulang basahin ang liham. Hindi pa man niya nakakalahati, napahinto siya. Binalikan niya ang binabasa. Siniguradong tama ang nakita niya. Paulit-ulit niyang binasa ang parte na iyon. Tapos ay dahan-dahan siyang tumingin kay Enzo. Kampanteng nakaupo pa rin ito sa sofa, nakatingin sa kanya. Walang emosyon. "Binasa mo na 'to?" Paninigurado niya. "Yes," malamig na tugon nito. "Paanong... I mean..." Hindi niya alam ang tamang salita. Iniling niya ang ulo at binasa ulit ang liham. Mula simula hanggang dulo. "What?" Kunot-noong bulong niya sa hangin. "Nabasa mo na ba nang maayos ang sulat ni Tito Franco?" Pormal na tanong ni Enzo. Tumango siya. Marahan niyang binitiwan ang sulat sa mesa na parang bigla itong bumigat. "Hindi pwede. Imposible ang gusto mangyari ni Daddy," sabi niya, nakatingin kay Enzo. "I agreed," sagot nito. "But," huminto ito at tinitigan siya. "May idea ka ba kung paano mo mababayaran ang mga naiwang utang ng Daddy mo? Pati itong bahay at lupa niyo? Paano mo ito matutubos sa banko? May alam ka bang paraan?" Nanatili lang siyang nakatingin sa gwapong mukha ni Enzo. Napalunok siya. Na-di-distract siya. Kahit nasa gitna siya ng gulo, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-intimidating. Pormal. Malamig. Masyadong malayo sa kanya. "Bella Ramos," tawag nito sa buong pangalan niya. Hindi pa rin siya makasagot. Dahil wala siyang sagot. Hindi niya alam kung paano niya mababayaran lahat ng utang. Kung paano niya mababawi ang bahay. Buhayin nga ang sarili niya hindi niya alam kung paano, utang pa kaya. Napatingin siya sa mga kamay niya. Nanginginig pa rin. Tatlong araw na, pero parang kahapon lang niya huling narinig ang boses ng Daddy niya. “Bella, anak, kain ka na.” Wala na. Wala nang magluluto ng paborito niyang adobo. Ang Tita Imelda niya, wala nang mag-aayos ng buhok niya pag may pictorial sa school. "I don't know," malungkot na sagot niya at muling yumuko. "Ano ba ang nakalagay sa sulat ni Tito Franco?" Tanong ulit ni Enzo. Walang emosyon. Malamig. Nag-angat siya ng ulo. Tumingin nang diretso sa mga mata nito. Huminga siya nang malalim. "Enzo....," simula niya. At sa unang pagkakataon mula nang mamatay ang Daddy niya, naramdaman niyang mas matindi pa sa kamatayan ang susunod niyang sasabihin. "Ikaw ang magiging guardian ko. At kailangan nating magpakasal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD