Chapter 4: Darkness

2182 Words
GINAWA ko ang lahat upang hindi marinig ni Mama ang impit kong mga hikbi. Hindi ko gawain ang magpakita ng emosyon sa ibang tao. Parati kong sinasarili ang mga problema ko dahil wala naman akong mapaglalabasan. Nagtalukbong ako ng kumot saka pumikit nang mariin upang pilitin ang sarili ko na matulog. “Franz.” Agad akong nagtanggal ng kumot dahil sa boses na iyon. Kumunot ang noo ko nang makita kong madilim na naman ang aking paligid. Ayan na naman ‘yong buwisit na bulong na iyan; ang sarap patahimikin. Nanaginip . . . na naman ba ‘ko? “Franz.” “Franz.” “Franz—” “Tama na!” singhal ko sa irita. Agad namang nabalutan ng katahimikan ang madilim na lugar na ito nang gawin ko iyon. Nakatatakot pala kapag ikaw lang ang mag-isa sa dilim; nakabibingi masyado ang katahimikan. Sinimulan ko ang maglakad sa karimlan. Wala akong ideya kung kung saan na ako patungo. “Wala kang kuwentang anak, Franz.” Sumingap ako nang marinig ko ang mga salitang ‘yon. Boses iyon ng nanay ko, ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha rito sa dilim. “M-Mama?” Hinanap ko si Mama. Tama ba ang narinig ko na . . . wala akong kuwenta? “Wala kang kuwenta!” Tila bang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko muli ang boses ni Mama. Paulit-ulit nag-e-echo ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko’y sinaksak ako ng kutsilyo sa dibdib; ang sakit. Isang tableta na mahirap lunukin. Totoo bang . . . totoo bang wala akong kuwenta? Marahas akong umiling-iling. Bumilis ang t***k ng puso ko, at masisisi ko ito sa kaba. ‘Di ko gustong paniwalaan ang mga salitang iyon na makasisira sa buong pagkatao ko; naiisip kong hindi ako nararapat mamuhay. Ayaw kong isipin ‘yon . . . ayaw ko. “Wala kang kuwenta! Wala kang kuwenta!” “H-hindi,” mahinahon kong pagtanggi. Ganyan ba ang tingin mo sa ‘kin, ‘Ma? Huli na ba iyon? Ni isa sa mga efforts ko’y wala kang nakita? Hindi mo man lang ba na-appreciate iyon, ‘Ma? Mali ka, ‘Ma. Mali ka. “Franz the weirdo!” Ang boses naman ni Love ang aking narinig. Mas lalo lang lumala ang pag-iling ko. “Franz the weirdo!” Ngayon, hindi lang boses ni Love ang nagpaparamdam, kung ‘di lahat ng mga kaklase ko ang sumisigaw sa ‘kin nang paulit-ulit. “Franz the weirdo!” “H-hindi ako weirdo,“ pagpilit ko. “Hindi!” Palibhasa’y hindi niyo naman ako hustong kinikilala. Napakabilis niyo naman kasi masyado manghusga! Bakit niyo naman nasabing weirdo ako? Ano ba ang masama sa pagiging tahimik saka seryoso? Paano . . . paano ako naging weirdo? Ako . . . weirdo? Hindi, nagkakamali kayo; kayo ang mapanghusga! “Wala kang kuwentang anak! Gusto ko nang iwanan kayo ng nanay mo!” Umalingaw-ngaw ang boses ni Papa sa karimlan. Para akong nilulunod dahil sa mga mapapait na salita na kanyang binibitiwan. Bakit kami ni Mama ang sinisisi mo? Ano bang pagkukulang namin? Ano ba ang mayro’n sa kabit mo na wala kami? Hindi ba’t ikaw ang may kabit; laging wala sa bahay; at puro alak at sugal lang naman ang inaatupag? Ako ba ang walang kuwenta? Ako ba?! Hindi, nagkakamali kayo sabi, e! “H-hindi . . . mali ka, ‘Pa,” mahina kong depensa. Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman: galit, lungkot, at pagkalito. Kaunti na lang, at maniniwala na ako na kasalanan ko kung bakit ayaw sa ‘kin ng mga tao; na pabigat ako. Punong-puno na ‘ko sa mga akusasyon nila. Katulad ng isang leon, gusto kong isigaw ang lahat ng emosyon ko na kailanma’y hindi ko nailabas ni isang beses. Lahat ng nararamdaman ko ay tila bang isang lumalawak na lobo na palaki nang palaki; malapit nang sumabog. ‘Di ako walang kuwenta. ‘Di ako weirdo! “Weirdo!” “Walang kuwenta!” “Palamunin!” “Pabigat ka lang sa buhay!” “Ano bang naitutulong mo? Wala? Wala!” “Tama na! Hindi ako weirdo! Hindi ako walang kuwenta! Tumahimik na kayo.” sunud-sunuran kong sigaw, nagmamakaawa na itigil na nila ang lahat ng ito. Nasasaktan ako, tama na. Naghahalo na ang boses ng mga kaklase ko pati ng aking mga magulang. Napatakip na lang ako ng tainga saka napapikit nang mariin. Pakiusap, ‘wag niyo na akong hilain pababa. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, ngunit bakit kulang? Muling namuo ang mga luha ko. “K-kung bangungot ito . . . pakitigil, pakiusap,” namamaos kong wika. Lahat ay mabilis manghusga, ngunit walang sumubok na magpaliwanag ni isa kung sa’n ako nagkamali; kung paano ako naging pabigat. Hindi ako walang kuwenta dahil nag-aaral ako nang mabuti upang bigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga magulang. Bata pa ako, Mama, Papa; marami pa akong kailangang matutunan. Seventeen pa lang ako; walang alam sa paghahanap-buhay. Bakit ba ako lagi ang sinisisi niyo? Kung magtatrabaho ako, wala namang tatanggap sa ‘kin sa edad ko. Naalala ko pa ‘yong sinabi mo, ‘Ma. Ayaw mong magtrabaho ako dahil gusto mong magpokus muna ‘ko sa pag-aaral. Ginagawa ko ang makakaya ko, ‘di niyo ba makita iyon? ‘Di pa ba sapat ang lahat ng mga efforts ko para sa inyo? Ginagawa ko naman ang parte ko, pero hindi sa paraan na gusto niyo! Bakit gano’n? Wala tayong pera, pero bakit parang kasalanan ko pa? Wala tayong badyet upang magpatayo tayo ng maliit na negosyo dahil laging ginagastos ng walang kuwenta kong ama ang ipon natin sa sariling kaligayahan niya, kaya hindi tayo umuunlad, e! Ano bang alam ko sa bank accounts, bills, business, at ekonomika? ‘Wag niyo na akong i-pressure. Matututunan ko rin naman lahat ng ‘yan sa tamang panahon! Hindi ko kayang tanggapin na isa akong weirdo dahil alam ko sa sarili ko na normal ako. Hindi ako sobrang seryoso dahil tao rin ako; may nararamdaman din ako, sadyang hindi niyo lang ako kinikilala. Ano bang alam niyo, ha? Hindi porke nananahimik ako’y hindi na ako nakararamdam. Tahimik ako; hindi ako tanga upang hindi intindihin ang mga insulto ninyo! Nakatutuwa nga naman; hindi pa ako nabubusog sa mga salitang mas pinili kong kainin na lang! Ano nga ba . . . ano nga ba ang kasalanan ko? Hindi ko alam. Patuloy pa ring umaalingawngaw ang mga boses ng mga tao na nananakit sa ‘kin. Gusto ko na lang mamatay! Ang ginawa ko na lang ay sumigaw nang sumigaw sa pagkasiphayo dahil hindi ko madepensahan ang mga taong hindi ako kayang intindihin. Tumakbo ako nang tumakbo gamit ang buong lakas ko, sinusubukang takasan ang mga boses na hindi ako magawang lubayan. Sa wakas! Nakahagilap ako ng liwanag; papalapit ito sa ‘kin. Isa itong paru-paro na may pakpak na tila bang isang napakalinaw na kristal; nakaaaliw ang kanyang ganda saka liwanag. Palakas nang palakas ang mga boses na humahabol sa ‘kin. Sumingap ako pagkat ayaw kong maabutan nila ako; iyon ‘yong oras na masisiraan ako ng bait. Binaling ko ang aking tingin sa paru-paro; papalayo ito sa akin. “H-huwag mo ‘kong iwanan!” garagal kong pakiusap. Hinabol ko ang paru-paro. Nakakita ako ng lagusan na may puting liwanag sa dulo nito; panigurado’t ligtas doon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa maabutan ko ang dulo ng karimlan, sinusundan ang paglipad ng kristal na paru-paro. Nakangiti na ako nang malawak dahil matatakasan ko na ang lugar na ito kaso . . . “A-aray!” Napadaing ako nang makabangga ako ng isang matigas na bagay. Napahawak ako ng ulo dahil sa pagkatama ko. Habang abala ako sa pagmasahe ng ulo ko, nakarinig ako ng mababang boses; baritonong boses ng isang lalake na aking ikinagitla. “Welcome home, Franz.” Unti-unti kong inangat ang ulo ko sa nabangga ko. Mas inuna kong iginala-gala ang aking tingin sa lugar kung nasaan ako. I squinted my eyes as I saw the whole place: the nostalgic feels; the dead falling leaves; the countless number of trees; the whole beautiful autumn scenery; and lastly . . . him. “I-ikaw,” nadulas ako. Teka . . . siya ‘yong guwapong lalakeng napanaginipan ko! At . . . bakit siya naka-tuxedo? “H-huh?” Mahina akong tinawanan ng lalakeng nakatayong matuwid. Medyo nakaka-bother kasi parang pinanunood niya ako na tila bang isang nakatutuwang laruan. “You look like you’re having fun down there, Franz.” Nagsalubong ang kilay ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? “Anong nakakatawa?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Pffft . . . nothing.” Pagpigil-tawa niya sabay turo sa ilog. At dahil sa nagtataka ako kung ano ‘yong itinatawa-tawa niya, agad kong tiningnan ang repleksyon ko sa ilog. Napasimangot ako nang makita kong punong-puno ng dumi ang aking mukha. Nadumihan kasi ako pagkadapa ko. Ang babaw, a! “Tawang-tawa ka naman,” walang gana kong sambit habang hinuhugasan ang mukha ko sa tubig ng ilog. Inilahad niya ang kanyang kamay sa ‘kin upang tulungan akong tumayo. Akmang aabutin ko ang kanyang kamay, kaso agad niyang nabawi ito kaya nadapa ako saka tuluyang nahulog sa ilog. “Aargh!” Muli akong tinawanan ng lalake kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hay! Basang-basa na tuloy ako. “Bastos ka, a!” singhal ko. Siya naman mukhang masaya pa dahil nahulog ako sa ilog. Mukhang yayamanin ang itsura ng lalakeng ‘to, pero hindi tinuturuan ng good manners! “Don’t be mad, Franz. I was just joking,” inosente niyang wika saka muling nagpigil-tawa. Agad kong kinuha ang bato mula sa ilog, at binato ito sa kanya, ngunit nakailag siya. “Sige, tumawa ka pa,” pagbabanta ko. “I’m not laughing . . . pffft—” Binatuhan ko siya ng isa pang bato, at tumama ito sa kanyang dibdib, kaya tuluyang nakawala ang kanyang tawa na kanina pa niya pinipigilan. “‘Di ka titigil?” Nag-uusok ang ilong ko dahil sa lalakeng ito. “You’re so cute, Franz.” Napataas ako ng kilay. Inabot niya ang kamay niya sa ‘kin muli upang tulungan akong tumayo, ngunit tinabig ko na lang ito dahil baka magbiro na naman siya. “Using the same joke twice won’t work on me.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Pffft . . . I was actually serious about helping you stand this time.” Nginisian niya ako. Mabilisan akong tumayo. “Pa’no mo ‘ko nakilala, ha?” Hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng noo ko. Kanina pa niya ako tinatawagan sa pangalan ko. Agad napawi ang kanyang ngiti dahil sa tanong ko, at agad nanahimik. “Ba’t hindi ka na makasagot?” Nanatili pa rin siyang tahimik, at tinitigan lang ang kinatatayuan ko. Naglakad ako mula sa ilog hanggang sa malapitan ko siya. Ang weird dahil nakatitig lang siya. Ni hindi niya man lang sinagot ang tanong ko. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Nagmumukha tuloy akong hampaslupa dahil sa suot kong puting t-shirt saka shorts kapag katabi ko siya. “Ang sabi ko, bakit hindi mo ako masaguta—” “Do you really . . . have no idea who I am?” Natigilan ako sa baritono niyang boses. Dahan-dahan akong umiling. “Wala.” Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking tainga. He slid his hands down my arms to my fingers then whispered, “Why?” Namuno ang kalungkutan sa kanyang tono. Pati ako’y nasasaktan na rin. “H-hindi ko alam,” nalilito kong tugon. “B-bakit? Sino ka ba? Close ba tayo?” Diretso niya akong tinitigan. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil nakaaakit ang kape niyang mga mata. “Franz.” Ang pamilyar . . . kung pa’no niya bigkasin ‘yong pangalan ko. Sino . . . sino ka? Umiling-iling ako, at tinulak siya palayo. “Hindi . . . hindi kita kilala. Layuan mo ako.” “How could you forget me, Franz?” Napuno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Pati ako, nadadamay sa kalungkutan na ipinapakita niya sa ‘kin. Tila bang kinukurot ang puso ko dahil sa kanyang itsura. “Panaginip lang ‘to. Gusto ko na gumising. Paano ba gumising?” Kunyari’y wala akong pakialam. Akmang tatalikuran ko siya ngunit marahas niyang hinila ang braso ko. “Aray! Ano ba—” “Remember me . . . Franz,” bulong niya, at dinapo ang kanyang mga palad sa ‘king mga pisngi. “Anak, gising na’t tanghali ka na naman!” Napasingap ako nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Napalunok ako ng laway dahil hindi ko matanggal sa isipan ko ang sinabi ng estranghero. Sino . . . ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD