VIA’s POV Ilang araw na kaming narito ni Kadax sa kubo. Ang gentleman kong kaibigan noon, ay sobrang wild pala pagdating sa kama. Tulog na tulog pa ang asawa ko. Mahina pa siyang humihilik. Maingay na ang mga ibon sa labas. At pumapasok na ang sikat ng araw dito sa aming kwarto. Malamig pa rin ang hangin na nanggagaling sa labas. Hindi nakabukas ang aircon. Malayang nakakapasok ang hangin dito sa aming kwarto. Mayroong screen lang para hindi makapasok ang mga lamok. Mamaya babalik na kami sa bahay ni Lolo. May meeting daw kami bukas. Ang anak ni Ninong Mayor ang nag-message sa amin pareho ni Kadax. Iisang message lang naman. Send to many siguro sa lahat ng kasali. Bumangon na ako. Nagtungo ako sa bathroom at ginawa ang morning routine ko. Kasama na ang pag-sho-shower. Binalutan ko

