KADAX’s POV Makakapaghintay naman sina Mommy at Daddy. Siguro naman ay maiintindihan nila kung bakit ako natagalan sa pagbalik. Ang paalam ko kasi ay kukuha lang ako ng gamit ko, pati na rin ang gamit ng asawa ko. Pero pagpasok ko sa kaniyang kwarto, may pumasok na kapilyohan sa akin. Hindi naman iyon masama, dahil asawa ko naman siy. Kanina ko pa nga siya gustong yayain at masolo pero hindi naman puwede dahil kaharap pa namin ang parents namin at si Lolo pati na si Ninang Perla. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Wala na akong kontrol ngayon. Dahil puwedeng puwede na akong humirit sa asawa ko. Hindi na niya kailangang malasing para mangyari ang gusto ko. Kahit gising siya, puwede kong angkinin ang akin. At kusang loob naman niyang ipinagkakaloob. Iniisip ko kung kailangan ko

