VIA’s POV Iniwan na rin ako ni Lolo Cirilo para maayos ko ang aking mga gamit. Kahit sa kubo lang kami ni Kadax, kailangan pa rin naming magdala ng mga gamit namin. Ilang araw kaming mag-stay roon. Hindi na niya kailangan gumising ng maaga para gawin ang mga dating iniuutos ni Lolo. Mabuti pala nadala ko ang lingerie. Plano ko pa naman ibigay ito kay April. Mabuti pala at hindi ko pa nasabi sa kaniya. Para sa akin pala ito. Iniladlad ko pa at pinakatitigan ang design. Bukod sa matingkad nitong pulang kulay, kapag isinuot ko parang lulusot sa mga butas ang maseselang parte ng aking katawan. “Pilyo ng mister ko. Puwes! Ipapakita ko sa kaniya ang kapilyahan ko rin. Humanda ka mamaya, Mr. Martin!” mahina kong bigkas habang may naglalarong ngiti sa aking mga labi. Ipinagpatuloy ko na ang p

