THIRD PERSON POV Matapos ang salo-salo sa mahabang mesa, nagpaalam na rin si Mayor. May biglaang tawag kaya nagpaalam na sa dalawang kaibigan. “Huwag kang mawawala sa kasal nila sa simbahan,” sabi ni Dax Martin kay Mayor. “Siyempre hindi! Solid team VIDA na ito,” sinundan nila nang tawanan. Itinaas pa ni Mayor ang kaniyang braso na animo’y kasali sa isang paligsahan. Nahawa na rin si Mayor kay Manang Perla sa pagtawag sa couple na team VIDA. Nakaalis na ang sasakyan ni Mayor. Nagtungo sa veranda ang mag-balae. Si Don Cirilo na ang tumayong magulang ni Via kaya kahit Lolo siya ay balae pa rin ang tawagan ng dalawang matipunong lalaki. Maputi lang ang buhok ni Don Cirilo, kumpara kay Dax. “Napakagaling ng anak mo, balae. Pinahanga niya talaga ako,” humithit pa ito sa kanyang tabako

