VIA’s POV Marami ang invited para sa dinner na inihanda ni Mayor. Ang mga mayayamang pamilya ang narito. “Friend, mabuti at nandito ka!” bati ni April. Nagpalinga-linga pa ako. Hindi ko alam kung sino ang kasama niya. Hindi ko nga napansin ang pagdating niya kanina. Wala sa tabi ko si Kadax. Nagpaalam siyang pupunta sandali sa bathroom. “Sina Lolo Cirilo ang kasama ko. Ikaw sino ang kasama mo?” “Sina Jean at ang iba nating kaklase ay nandiyan. Grupo nina Jovan, nandiyan din. May invitation kasi si Mayor para sa mga dalaga at binata ng Santa Cruz. Hindi mo alam? Hindi nasabi sa ‘yo.” Umiling lang ako. Hindi naman sinabi na may pa-party para sa mga edad namin. “Bubuuin kasi ang line up para sa Sagala. Sakop ng fiesta rito sa atin. Ngayon, iibahin naman ni Mayor ang mga sasali. Kar

