KADAX’s POV Ayaw kong masaktan muli, kaya ako na ang naunang magsabi kay Via. Isa pa, para mawala rin ang kaba na nararamdaman ko. Kakaibang laro iyon, pero masaya ako. Hindi ko lang puwedeng ipahalata sa kanila. Hinanap ko agad si Lolo Cirilo, pero hindi ko na siya nakita. Nagalit kaya siya sa akin? “Boring pa rin ba ang halik ko?” nakaupo na kami ni Via. Hindi pa siya nagsasalita. Mukhang nagulat din siya sa pangyayari. Naramdaman ko ang pagtugon niya sa akin kanina. May tao pa sa paligid namin, pero nagawa niyang gumanti. Akala ko hindi niya ako titingnan. Pero mabilis din niyang binawi. Pansin ko ang pagkulay rosas ng kaniyang mga pisngi. “Ikaw, ano sa tingin mo?” tumayo siya pagkatapos niyang magsalita. “Kukuha muna ako ng maiinom,” paalam niya sa akin. “Sasamahan na kita,” sa

