VIA’s POV Habang nasa sasakyan kami ni Kadax, pauwi sa bahay, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. Pero bukod sa hinawakan niya, iniakbay naman niya ang isa pa. Nanghihina ako at gusto ko ang ginagawa niyang pag-baby sa akin. Wala kaming relasyon pero heto siya, hindi lamang para suportahan ako, ipinaparamdam pa niya sa akin na tunay siyang nag-aalala para sa akin. Isinandal ko pa ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi ko nararamdaman na sinasamantala niya ako dahil may pag-iingat sa bawat kilos niya. Kung hindi ko tinakasan ang pagkatao ko, baka hindi ko nakilala si Kadax. Wala na sa akin ang mga babaeng nakarelasyon ko. Dumaan lang sila sa buhay ko. Masaya ako noon, pero may mga bagay na bumabalik para ipaalala kung sino ako talaga. Masaya ako noon dahil iyon naman ang gusto ko, magi

