KADAX’s POV Napangalahati na namin ang alak at may tama na kami pareho. Malinaw pa naman ang isipan ko. Hindi ako puwedeng magpakatodo. Magkatabi kami ni Via rito sa sofa. “Padila-dila ka na naman, bro,” pansin niya sa akin. Binabasa ko lang naman ng laway ang mga labi ko pero hindi nakaligtas sa kaniya. “Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo ang mga chicks mo? Baka iba na ‘yan ha?” tumawa siya na siya lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan. “Sabi kasi nung huling babae na nakasama ko, hindi raw ako magaling humalik. Iniisip ko kung paano ba dapat. Sa ibaba, madali lang. Hindi naman nagrereklamo iyon. Malapatan lang ng sila ko ay sarap na sarap na. Pero kapag halikan na, bagsak na ako.” Imbento ko lang ang kuwento. May gusto lang akong malaman kung concern ba talaga siya sa a

