VAL’s POV Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ako makakapasok nito sa opisina. Iba ang tama ng alak na ininom namin ni KD kagabi. First time kong uminom ng Jack Daniel’s. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakapasok dito sa loob. “Nakauwi kaya si KD?” hawak ko pa ang ulo ko na bumangon ako. Wala na naman akong suot na damit. Mabuti at pang-itaas lang ang wala ngayon. Nandito ang mga damit ko. Siguro naman nung maghubad ako ay wala na si KD. “Bakit kasi may ganito pa akong dibdib? Mas malaki pa ang mga svso ko kaysa kay Joy, at sa ibang nagiging chicks ko.” Naalala ko na naman si Joy. Parang hindi na naman ako nasasaktan. Nakababawas nga yata ang pag-iinom sa sakit ng puso ko. Iyon nga lang, absent ako ngayong araw. Parang gusto ko na lamang matulog. Kumuha na lamang ako ng sando

