KADAX’s POV Tinanghali ako ng gising. Nagulat pa ako dahil nakatanggap ako ng message mula sa boss ko. May ibinilin siyang gawain ko agad pagpasok sa office. Dapat hindi ako papasok, napilitan akong bigla. Hindi ko na natawagan pa si Via kung kumusta na siya? Hindi ako sure kung sanay siya sa alak na ininom namim kahapon. Ako umiinom ako ng ganoong alak kapag kasama ko ang mga boys ng Martin. Breaktime ko na lamang pupuntahan si Via sa station niya. Kailangan ko lang maibigay kaagad kay Boss ang report. Ininuman ko lang ng gamot ang sakit ng ulo ko. Nagawa ko naman nang maayos siguro ang hinihinging report ni Boss. Hindi ako confident dahil nga sa nararamdaman ko. Dumating ang breaktime. Sakto naipasa ko na rin ang report na kailangan. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng coffe

