KADAX’s POV
Nakita yata ni Val ang pagdila ko sa aking mga labi? Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on lalo na at uminom ako sa tasa niya. Amoy ko pa ang toothpaste na ginamit niya. Nahalata rin kaya niya na excited akong inuman ang cup niya?
Ilang beses na niya akong inalok na uminom sa tumbler niya pero tinatanggihan ko dahil baka makahalata siya. Pero dahil natikman mo na ang mga labi niya, gusto ko na makiinom sa mga baso niya. Hindi na siya mag-iisip ng kung ano dahil nagawa ko na sa cup niya.
“Bro, paano mo pala ako inihatid kagabi? Hinayaan mo lang ba ako na makapasok sa loob ng bahay at saka ka umalis?” tanong ni Val.
Nandito kami sa likod ng sasakyan. Sinabi ko lang na arkilado ko ang kotse pero hindi ko binanggit na sa amin itong sasakyan. Baka mabisto pa niya na mayaman ang pamilya ko. Na mayroon kaming sariling kompanya. Kapag nagtanong siya nang nagtanong, malalaman niya kung bakit ako nagtatrabaho sa pinapasukan namin.
Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang mga nangyari. Baka kung ano ang gawin niya sa akin.
“Oo, pinapasok muna kita sa kwarto mo saka ko isinara ang pinto. Hindi ako puwedeng magtagal at malaki ang babayaran ko sa grab.” Palusot ko sa kaniya. Hindi niya maaaring malaman ang ginawa naming dalawa.
“Salamat bro, talagang mapagkakatiwalaan ka. At ito pa, kaya kahit masakit ang ulo ko, pumasok ako kasi ang ganda ng panaginip ko kagabi. Inspired ako. Parang totoong totoo. Dumating si Joy at sinamahan niya ako sa kwarto ko. Bro, magdamag kaming naghalikan at pinaligaya namin ang isa’t isa.” Masaya at mayabang niyang kuwento.
Muntik pa akong mabilaukan sa sinasabi niya. Hindi niya matandaan ang ginawa naming dalawa.
Hindi ako kumontra dahil kung gagawin ko iyon baka kamuhian niya ako.
“Sana ang ibig sabihin niyon ay babalik na siya sa buhay ko. Miss ko na agad siya. Kailan kaya niya ma-realize?”
Kulang na lang sagutin ko siya. Pero sa isipan ko na lamang ako nagsasalita. Tumango-tango lang ako sa tinuran niya.
Hanggang kailan siya mabubulag. Nandito lang ako, naghihintay.
“Bro, wala palang bawas ang pera ko kagabi,. Ikaw na naman ang nagbayad.” Nahihiyang sambit niya.
“Don’t worry, bro, puwede naman tayong mag-inom ulit at gamitin natin ang pera mo na panggastios natin sana kagabi. Panaginip lang iyon, bro. Nakita ko si Joy noon pa na may kasamang lalaki. Pasensiya na talaga, Bro. Noon pa may lalaki na ang girlfriend mo. Natakot lang akong sabihin sa ‘yo dahil baka kung ano ang gawin mo.”
“Totoo ba ‘yon, Bro? Nasasaktan na naman ang puso ko. Sige mamaya uminom ulit tayo nang marami. Magpakalasing tayo sa alak.” Tango na naman ang naging tugon ko.
Pero ang katotohanan, gusto ko siyang lasingin nang lasingin para maranasan kong muli ang kaniyang paghalik.
Bigla akong na-excite na naman. Sana mag-uwian agad para maaga kaming makapagsimula ni Val, at mahaba ang oras namin sa loob ng kaniyang kwarto.
"Sa bahay na lang tayo mag-inom, para makamura tayo at mapunta sa alak ang budget natin. Times two ang presyo ng alak sa bar, may ilan pa nga halos times three or four pa. "
Mas pabor sa akin ang naiisip ni Val. Sa bahay niya sarado ang mga bintana. Pati pinto ay naka-lock. May gate pa siya kaya wala talaga makakasilip sa amin. Walang matang magbabantay.
Anytime, puwedeng mangyari ang hinahanap-hanap kong mga halik niya.
I need more practice para sa susunod ako na magdadala ng halikan naming dalawa.