3

1011 Words
VAL’s POV Bumangon ako na sobrang sakit ng aking ulo. “Paano ako nakauwi?” tanong ko sa sarili ko habang minamasahe ko ang aking sintido sa sakit ng aking ulo. Naparami yata ang inom ko. Mas masakit ang ulo ko ngayon kaysa sa dibdib ko. Kahapon, dibdib ko ang durog. Wala akong damit. Ganito ako kapag nalalasing, nag-aalis ng damit. Pero ngayon, wala akong kasama sa kwarto ko. Mag-isa lang ako. Lalong sumasakit ang ulo ko sa isipin paano ako nakauwi ng bahay. Naiihi na rin ako. Kinuha ko na lang ang roba ko at ito muna ang isinuot. Kailangan kong uminom ng gamot. May pasok ako ngayon at hindi puwedeng um-absent. Dire-diretso akong nagtungo sa bathroom. Itinuloy ko na rin sa paliligo para talagang mawala ang hang-over ko. Minsan lang sa talambuhay ko ang malasing. Umiinom ako nang kaya ko lang. Pampaalis lang ng stress. Iba yata ang nangyari kagabi. “Kumusta kaya si KD?” naisip ko ang kaibigan ko habang sinasabon ko ang aking katawan. Siya ang ka-close ko sa opisina. May mga kaibigan din siyang iba pero ayaw ko sa kanila. Minsan nga gusto ko silang banatan lalo na at panay ang tingin sa kasama kong chicks. Kasalanan ko bang mas gwapo ako sa kanila at mas magaling akong magpakilig? Mabuti pa si KD, hindi ko maisip na kaagaw ko siya. Ni hindi nga niya tinatapunan ng tingin ang mga dini-date kong babae. Gwapo si KD. Malayo sa mga kaibigan niya. Pero mabait. Walang arte sa katawan. Kaya madali kami nagkasundo. Bago pa iyon, minsan din niya akong tinulungan sa paghabol sa snatcher. Hilahin ba naman ang bag ng girlfriend ko. Nakita niya raw ako na may hinahabol na lalaki kaya nakihabol siya. Siya nga ang nakahuli. Nahawakan niya ang kwelyo ng damit at saka niya biglang tinisod kaya bumagsak ang loko. Nabawi ko ang bag ng girlfriend ko kaya naman naka-jackpot ako nung araw na ‘yon. College pa lang kami noon, kaya kinabukasan ay hinanap ko talaga siya para magpasalamat. Iyon na rin ang simula ng aming pagkakakilala. Napadalas ang pagsasalubong namin sa campus at nagbabatian na kami. Ka-batch ko pala siya at pati sa trabaho ay nagkasama kami. Dito na kami naging close sa isa’t isa. Madalas kaming magkasabay kumain kapag pareho kaming may time. Dahil sa trabaho, minsan sa table na lang kami kumakain lalo na at may mga rush. Kahapon, siya lang nakapansin sa kalungkutan ko. Nakipag-hiwalay na sa akin si Joy. Sumama na siya sa iba. Dati raw niya iyong boyfriend at first love niya. Mahal pa raw nila ang isa’t isa kaya nakipagbalikan siya. Iniwan niya akong nag-iisa. Siya lang ang nagpabago sa akin. Hindi ko na pinansin ang iba na nagpaparamdam sa akin. Hiniwalayan ko rin ang iba kong babae na nasa ibang lugar dahil ayaw kong magselos siya. Ngayon, bigla niya akong iniwan. Mabuti at available si KD kaya nasamahan niya ako sa pagdadalamhati ko. Mali-late na ako sa ginagawa kong pagmumuni-muni. Binilisan ko na ang kilos ko. Mahirap pa naman makipag-unahan sa sasakyan ngayon. Kung kami pa ni Joy, kanina pa ako gising at nakapunta na ako sa kaniya. Sinusundo ko siya at saka ko inihahatid sa trabaho. Malapit lang din sa office kaya hindi na mahirap para sa akin. Bigla akong nanibago sa set-up. Nagbihis na ako at nagtimpla ako ng kape. Makakabawas ito ng hang-over. Nagulat ako sa malakas na katok. “Val, gising ka na ba?” sigaw nito sa labas ng pintuan. Pamilyar na pamilyar ang boses. Wala namang ibang nag-aalala sa akin ng ganito kundi ang kaibigan kong si KD. Nagmadali naman akong lumapit sa pinto para buksan ito. At ang kaibigan ko, kung saan nakatingin kaya hindi niya nakita na binuksan ko ang pinto kaya sa dibdib ko lumapat ang palad niya. ‘Yong iba, kapag kumakatok nakasarado ang palad. Kakaiba itong si KD, kaya pala ang lakas ng katok dahil palad niyang malaki ang pinangkalampag. “Ay, sorry. Hindi ko napansin, bro.” hinging dispensa niya. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mo naman,” tanong ko sa kaniya. Binuksan ko nang malapad ang aking pintuan upang papasukin siya. “Nag-aalala lang ako sa ‘yo, bro. Baka tulog ka pa, kaya naisipan kong daanan ka na,” sabi niya habang pumapasok siya. “Okay na naman ako. Medyo masakit lang ang ulo ko. Tara sa kusina at uminom ka ng kape,” yaya ko sa kaniya at pumasok na kami sa kusina. Pagkapasok namin, ininom niya agad ang kape ko. “Pagtitimpla kita. Nainuman ko na ‘yan.” “Okay na ito. Saka may naghihintay sa atin sa labas. May kinuha na akong grab. Sa cafeteria na lang tayo mag-coffee ulit. Libre ko.” Inubos niya ang laman ng tasa. Parang sarap na sarap siya sa tinimpla kong kape. “Thank you, ang sarap mo pa lang magtimpla ng kape.” “Bolero! Naubos mo lang kaya mo sinabing masarap. Siguro ang dami mo rin nainom kagabi. Sandali kunin ko lang ang wallet ko para makaalis na tayo.” Naiwan siya sa maliit kong sala at pumasok ako sa kwarto na kalapit lang din ng sala. Mukhang may hang-over pa rin ang kaibigan ko. Naabutan ko siyang nakasandal sa sofa habang nakapikit ang kaniyang mga mata at dinidilaan niya ang kaniyang mga labi. “Bro!” ginulat ko pa siya. Agad naman siyang napa-ayos nang upo. “Grabe ka naman manggulat.” “Ano kasi ang ginagawa mo?” natatawa ako sa kaniya. Hindi ko naman itinuloy ang sasabihin ko pa sana. “Tara na! Baka ma-late pa tayo.” Inunahan pa ako sa paglabas ng bahay. Mukhang may ibang ginagawa siya kaya namula ang mukha sa pagkakagulat ko. May sinabi siyang crush niya sa office. Pero ayaw sabihin sa akin ang pangalan at baka raw agawin ko pa sa kaniya. Napataas na lang ako ng balikat. Mas magaling kasi akong magpakilig kaysa sa kaniya. Baka boring ang dating niya sa mga babae. Mas maganda siguro kung turuan ko siya para naman magkaroon siya ng lovelife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD