KADAX’s POV Gising na rin ang parents ko. Ang aga pa, pero nandito na sila at tila hinihintay ang paglabas ko. Nadatnan ko sila na nagkakape rito sa kitchen. May isang maid na gising na pero narinig kong pinapabalik pa sa kwarto para magpahinga. Ang Daddy ko, minsan nagpapalabas ng memorandum para sa lahat. Pati kami kasali. May mga panahon na biglang bawal lumabas ang lahat ng kwarto sa ganitong oras. Madalas naman ay hatinggabi ang oras hanggang madaling araw. Hindi naman palagi, pero minsan weekly o monthly. Kung anong mayroon, hindi naman niya sa amin sinasabi. Naikuwento na rin ni Mama Cindy iyon sa amin. Ganoon daw ang Daddy ko kahit hindi pa asawa si Mommy Kassy, pero nasa bahay na si Mommy noon at kasalukuyang katulong pa nina Daddy. Kaya hanggang ngayon ay palaisipan pa

