VIA’s POV “Bakit hindi ka nag-dress?” tanong niya pagkapasok niya sa sasakyan. Tiningnan pa niya ang kabuuan ko. Nagulat ako at pinagmasdan niya ang mukha ko at parang may gusto siyang makita sa aking likuran. Naikabit na naman niya ang seatbelt. Ginawa pa akong parang bata. Marunong naman ako. “Wala pa si Lolo sa bahay. Mamaya pa raw ang dating kaya mamaya na lang ako magpapalit. Makakapahinga pa tayo.” Tumango siya. “Ang buhok mo, basa pa. Alisin mo ang tali mo. Walang hangin dahil sarado naman ang bintana. Nakakaloko raw iyan.” Narinig ko na rin iyong salita na iyon kay Manang Perla. Hindi kaya naloloka na nga ako? Kasi kung anu-ano ang naiisip ko kagabi. Hindi ako excited, natatakot ako. Saan nga ba ako natatakot? Sa sarili ko. Para kasing may iba o nag-iiba. Hindi ko matukoy.

