KADAX’s POV She may call me a great actor because of my effective portrayal, but little does she know, this is what I truly felt, and this is the relationship I wanted to have with her. Lahat totoo, pati ang mga paghawak ko. Kulang pa nga iyon, hindi ko maibigay pa ng todo dahil nakikiramdam din ako. First day pa lang, at parang first time ang nangyari kanina sa kinainan naming dalawa. Mukhang hindi naman ako mahihirapan. At kung kaharap si Lolo Cirilo, mas magiging madali kung lagi siyang maghahanap ng patunay sa relasyon namin ni Via. “Okay lang ba kung matulog muna ako?” paalam niya sa akin. “Naka-pin na naman ang address namin. Medyo malayo pa tayo kaya puuwede akong umidlip kahit kaunting oras lang.” “Okay lang hon. Matulog ka lang at gigisingin na lang kita mamaya.” Sabi ko sa ka

