VIA’s POV Okay ang pakiramdam ko dahil nakatulog ako. Wala akong tulog, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganoon ka-excited umuwi dahil ito na ang panahon na hahanapan na ako ni Lolo Cirilo ng boyfriend. Kung noon na umuuwi siya, excited ako dahil makikita ko siya at puro bonding lang naming dalawa. Sa pag-uwi ko sa probinsiya, iba ang magiging takbo. Mayroon akong boyfriend at si Kadax ang aakto bilang kasintahan ko. Madali lang sa kaniya. Sinubukan namin noong nasa Mall kaming dalawa at puwede talaga siyang maging boyfriend material. Kailangan kong masanay sa pagiging physical ni Kadax. Ilang beses akong nakuryente sa pagkuha niya sa kamay ko. Ang pag-akbay niya ay parang wala lang sa kaniya. Baka ako lang masyado ang maraming iniisip. Nagsimula lang naman noong naramdama

