VIA’s POV Siya na ang pinapili ko, pero mahiyain yata ang boyfriend ko. Natotorpe. Natatakot na mahuli. Ano ngayon kung maabutan ulit kami ni Lolo? May relasyon naman kami at hindi na kami bata. Sa edad namin, may mga may-asawa na rin. Ako, hindi pa ako sure na gusto ko na magkaroon ng asawa. Gusto ko muna ma-enjoy ang ganitong relasyon namin ni Kadax. “Hon,” sambit ni Kadax. Nasa dilim na kaming dalawa. Sa una lang black na black, kalaunan naman ay naaaninag na rin namin ang isa’t isa. Kinapa ko ang katawan niya at parang kabisado ko na kung nasaan ang batok niya. “Yes, hon,” sagot ko sa kaniya. “Ikaw talaga, makalokohan ka. Baka mamaya balikan tayo rito ni Lolo Cirilo.” Napatawa ako. “Ganito siguro ako dahil in love.” Hindi ko napigilan ang ngiti ko. “Pero hon, hindi ko pinata

