KADAX’s POV Nagbago ang mood nang pumasok sa dining area ang mga kasama rito sa bahay. Hindi na nagsalita si Lolo Cirilo. Sa amin na lang ang mga sinabi niya kanina at kung gusto o ayaw niya ako para sa apo niya. Ayaw man sa akin ni Lolo Cirilo at kahit tahasan niya iyong ipinapakita, hindi iyon magiging hadlang para hiwalayan ko si Via. Mahal ako ni Via. At mahal ko siya higit pa sa kaya kong ipaliwanag. Mananatili ako rito hanggang sa kailangan ako ng girlfriend ko. At hindi ako hayagang papaalisin ni Lolo Cirilo. Nakikinig lang naman ako sa kanila habang masayang kumakain. Pati ang may kaarawan na si Elena ay masaya. “Thank you po, Don Cirilo at Manang Perla. First time mo magkaroon ng ganito karaming handa.” “Kumain kayong mabuti. May selebrasyon pa tayo pagkatapos kumain.

