Habang magkayapos na nagsasayaw ang dalawa, inalok sila ng isang trabahador na uminom. Kinuha naman nang kinuha ni Via ang alak. Hati pa sila ni Kadax sa bawat inaabot sa kanila. Maririnig ang masasayang hiyawan ng mga trabahador para sa magkasintahan. Halos hindi na sila bumalik sa kanilang upuan dahil patuloy silang sumasayaw. Kahit wala nang kumakanta, patuloy silang nag-sway nang mabagal. Ilan na lang silang natitirang nasa may garden. Inantok na si Manang Perla at hindi na niya nagawang sabayan ang mga mas bata sa kaniya. “Nahihilo na ako, hon, magpapahinga na ako,” inilapit ni Via ang kaniyang bibig sa tainga ni Kadax. “Ihahatid na kita sa kwarto mo, hon.” Ngunit pagkasabi ni Kadax ay inangkin niyang muli ang mga labi ng nobya. Lasing na si Via. Wala na siya sa tamang katin

