KADAX’s POV Namumula ang mukha ni Via. Hindi naman siya ganito habang pababa siya ng hagdanan. Hindi ko sigurado kung tinamaan siya sa mga sinabi ko. Kung tatanungin niya ako, aamin na ako. Ito na siguro ang pagkakataon para sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko, bago pa ako maunahan ng iba. O baka mapagod na rin siya sa pagpapanggap namin at magising siyang may pakiramdam pa rin siya sa iba. Pakiramdam ko, marami ang may gustong pumorma sa kaniya kagabi sa dinner party na ginawa sa bahay ni Mayor. Kahit alam nilang may relasyon kami, may mga lalaking walang delikadesa. Hindi ko naman sila mapipigilan na pumunta rito. Si Via pa rin ang makakasagot noon. Kung maipapahayag ko ang saloobin ko, baka hindi na siya mag-entertain pa ng iba. At mauwi na sa totohanan itong pagpapanggap namin

