VIA’s POV Akala ko, nabibingi lang ako sa mga sinasabi ni Kadax kanina. Na mali ang pagkakarinig ko, pero hindi pala. May katotohanan ang lahat. Hindi na ako nagpakipot. Narito na sa harap ko ang taong nagsabi na mahal ako at ganoon din ang nararamdaman ko sa kaniya. Panahon na para magpakatotoo ako sa aking sarili. Inilayo niya ang katawan ko mula sa yakapan naming dalawa. “Hon, totoo na ngayon ang lahat. Tapos na ang ating palabas kay Lolo Cirilo. Hindi na ako magdadalawang isip na sabihin at ipagsigawan na girlfriend kita. At hindi na ako mangingimi na angkinin ang iyong mga labi,” sabi niya sa akin habang hawak niya ang aking baba para manatiling magkahinang ang aming mga mata. Ngumiti naman ako sa kaniya. Totoo ang sinabi niya, hindi na namin kailangan pang magkunwaring dalawa

