VIA’s POV Maaga akong gumising dahil pupunta ngayon sa plantation sina Lolo Cirilo at Kadax. Nagsabi ako kagabi nang abutan kami ni Lolo Cirilo sa dining area. Akala ko magagalit siya. Nakuha ko naman sa paglalambing. Sinabi kong gumana agad ang gamot na binigay ni Manang Perla kaya nakababa na ako. Sinabi ko rin na para lang akong nagdahilan. Nang ibalik ko sa kaniya ang tanong kung bakit umuwi siya agad? Umiling lang siya. Wala siyang sinabi at binalingan niya si Kadax. “Maaga tayo bukas. Ayaw ko ng nahuhuli sa oras.” Mariing sabi ni Lolo. Ni hindi man lang kinumusta kung okay si Kadax sa maghapon. Unang araw namin napasabak na agad si Kadax. “Opo, Sir,” sagot ng aking kunwaring boyfriend. “Sasama po ako, Lo,” tiningnan ako ni Lolo nang matagal bago siya sumagot. Pinag-isipan pa

