KADAX’s POV “Hon, baka malaglag ako,” bulong ko sa kaniya. Ang bilis niyang magpatakbo. Kaya mas lalo akong yumakap sa kaniya. Parang naiinis na naman siya. Kaya ganito ang pagpapatakbo niya sa kabayo. Kahapon, nagtatanong lang ako tungkol sa kaibigan niya para siyang naiinis. Kanina, nakita ko na ang kaibigan niya. Maganda si April, pero mas maganda si Via. Seksi lang tingnan dahil nakalabas ang kaniyang pusod at mga hita pero mas seksi si Via kahit balot ang katawan niya. At nakita ko na rin ang katawan niya na walang suot ni isang damit kaya sigurado ako na mas maganda ang katawan ng aking honey. “Wala akong pake, kahit mahulog ka pa d’yan.” “Galit ka ba, hon?” Iniyakap ko na sa kaniyang katawan ang aking mga braso. Kanina nasa tagiliran lang niya ngayon nakayapos na talaga ako. “

