KADAX’s POV Unti-unti na humihina ang aming tawanan. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sana hindi na ito matapos. Ang saya ko. Hindi niya ako pauuwiin ng Manila. “Kadax,” humihingal pa siya. “Yes, hon,” sagot ko naman sa kaniya. “Awat na muna, nanghihina na ako sa katatawa,” itinaas pa niya ang kaniyang mga kamay para sabihin na sumusuko na siya. “Hindi na kita hahabulin, pero puwede bang manatili ka pa kahit sandali?” malambing kong pakiusap sa kaniya. Gusto ko pa siyang kausapin. Kung itatanong ko na naman kung nainis o nagalit ba siya kanina, baka mag-alburuto na naman siya. Sa akin na lang iyon. Nannamin ko na muna ang mga sandaling ito. Nararamdaman kaya niya ako? Ang reaksyon ng katawan ko habang kalapit ko siya? “Kadax,” “Hon,” sabay naming sambi

