KABANATA 7

1585 Words
HAZE “Ano bang naisipan mo at bakit pinag overtime mo kaming tatlo?” Tanong ni Kuya Salvius sa akin. Kakapasok lang niya sa office ko at bungad agad niya ito. “Bakit? Kailangan ko kayo.” Reklamo ko habang diretso ang tingin sa monitor ng computer. “Kailangan? Para san? Moral support mo?” Natatawa niyang sambit nang bahagya niyang silipin ang aking ginagawa. “Kamusta kayo ni Nieve?” Tanong niya kaya napalingon ako sakanya. “Nieve?” Nagtataka kong tanong. Sino naman yon? “Genevieve?” Nakangisi niyang sambit. “Kaaway mo kasi palagi kaya wala kang alam e.” Biro pa niya kaya napa ismid nalang ako. “Nakahanap ka ng katapat mo.” Dagdag pa niya. “Shut up.” Walang gana kong sambit at binalik na ulit ang atensyon sa computer ko. “Masama kaya ugali non, I don't get it bakit gustong gusto mo as secretary ko yon.” Pag susumbong ko sakanya. “She's nice, sa amin.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius, halatang nang aasar lang sa akin. “Well, not for me.” Sambit ko na para bang bata. Ayoko sa lahat ay yung nilalamangan ako, palagi kaming nagkakasubukan dahil parehong ayaw magpatalo at parehong maiksi ang pasensya sa isa’t isa. “Yun nga yung point. Kapag masungit sa'yo, hindi mo agad mapapaikot, hindi mo matatakot, at hindi aalis sa trabaho niya.” Tumatawang sambit ni Kuya Salvius. “Aminin mo man o hindi Haze, alam kong na caught off guard ka rin dahil sa pinakita niya sa atin. She's very feisty.” Napapa iling na sambit niya, and he literally looks amused. Kilala talaga ni Kuya ang ugali ko at kung paano ako maka-counter sa mga desisyon at ginagawa ko. He never failed to guide me kahit sobrang tigas na ng bungo ko, masunod lang talaga ang gusto ko. I am a careless jérk. Siguro kung wala si Kuya ngayon ay walang tatagal na mga employee o kahit kaibigan sa akin. Actually wala naman talaga kong kaibigan except kay Kuya Salvius at Gianna na matagal ko ng kasama dito sa kumpanya. “Pag nagsumbong si Nieve kay Gianna na ginaganyan mo yon, babardahin ka talaga ni Gia.” Nakangising sambit ni Kuya Salvius kaya napanguso ako. Sakanila lang lumalabas ang ganito kong side, pero madalas ay seryoso dahil nasa workplace kami. Nag iiba raw kasi talaga ako kapag nasa opisina kaya hindi rin nila magawang makapag biro madalas. Nakakatakot daw ako. “Tss, as if I care.” Mayabang kong sambit na ikinangisi naman ni Kuya Salvius. “Let's see. Ngayon pa nga lang na nalaman niyang pinag overtime mo kaming tatlo ay nag huhurumintado na siya sa harap ni Nieve kanina.” Natatawang pag kukwento ni Kuya Salvius habang nire-recall pa talaga niya ang reaction ni Gianna kanina. “Suhulan ko nalang siya pag kain.” Biro ko at bahagyang bumuntong hininga. “You know what Kuya, that girl is unbelievable.” Pag bubukas kong muli sa topic namin kanina na si Genevieve. “How?” Painosenteng tanong ni Kuya Salvius na akala mo naman ay hindi nagegets ang sinasabi ko. “She's different from the others.” Seryosong sambit ko. “Mhm, and?” Tanong ni Kuya Salvius na para bang may hinihintay pa siyang idudugtong ko. “Hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag but there's something about her na it looks interested.” Seryosong sambit ko habang napapaisip. Ang tagal na nitong nasa sistema ko, I don't really get it actually. Sakanya lang ako nakaramdam ng tension na ganito, na sa tuwing lalapit siya ay may nararamdaman akong kakaiba. “Hayaan mo lang, malalaman mo rin yan.” Nakangiting sambit ni Kuya Salvius at marahang tinapik ang aking balikat. “Lalabas na muna ako, yariin mo na yang ginagawa mo at lilipat ako sa girls. Papupuntahin ko si Nieve dito.” Natatawa niyang sambit. “Para saan? Mag iinit lang dugo non sa'kin.” Reklamo ko. “At ano naman sa'yo kung mag init dugo niya? Akala ko ba?” Natatawang sambit ni Kuya Salvius kaya bahagya rin akong natigilan. “Nevermind.” Sambit ko habang umiiling. “Tell her to come, may iuutos ako. And by the way, mag order na rin kayo ng pagkain natin, tawagin niyo nalang kami kapag dumating na yung foods.” Sambit ko kaya tumango lang si Kuya Salvius at nag wave ng kaniyang kamay bago tuluyang umalis. “What do you need, Denzel?” Bagot na bungad ni Genevieve sa akin. I was shocked, what did she call me? “Denzel?” Gulat at nagtataka kong sambit. “Yeah, Haze is too common for me.” Nakangiti niyang sambit. What the actual f**k? “Are you for real, Aurora?” Taas kilay kong sambit dahilan para matigilan siya ng bahagya. Got you. “Second name basis huh?” Natatawa niyang sambit. She looks like she's in a good mood. “Ikaw ang nagsimula.” Sambit ko. “What do you need nga?” Tanong niya sa akin. “Make me a coffee, the usual one.” Sambit ko habang nakatutok sa monitor na nasa harap ko. “Anything else?” Tanong niya. “Stay here after.” Seryosong sambit ko at hindi naman na siya nagsalita kaya hindi ko na rin siya pinansin pa. Hindi nag tagal ay dumating na siya dala ang kape na pinatimpla ko. “Dito ba tayo matutulog?” Tanong niya sa akin. “Kung hindi ko matatapos, yes.” Seryosong sambit ko habang abala pa rin sa aking ginagawa. “Dito nalang, matapos mo man o hindi. Magpapalit na ako.” Tipid niyang sambit kaya bahagya akong napalingon sakanya. “Desisyon ka.” Sambit ko at bahagyang ngumiti. “WAIT!” Hindi kalakasang sigaw niya, sakto lang para masakop ang buong opisina. “What?” Sambit ko habang nag pipigil ng tawa. “DID YOU JUST SMILE?!” Gulat niyang sambit at agad akong nilapitan habang titig na titig sa akin. “What about it? You're making it like a super big deal huh?” Tumatawa kong sambit habang napapailing. This is entertaining. “And you just laugh.” Puna niya habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. “You're overreacting, Aurora. It's pretty normal for a human to smile and laugh?” Painosente kong sambit. “Sa amin oo, sa'yo hindi. Kampon ka ni satánas e, démon kumbaga.” Biro niya kaya agad na nawala ang ngiti sa labi ko. “Mag bihis ka na nga lang, asim mo.” Ganti ko sakanya dahilan para sumama ang tingin niya sa akin. “Hoy! Kahit amoy amuyin mo ako ngayon ay hindi ako maasim!” Sigaw niya at bahagyang ipinadyak ng padabog ang kaniyang paa. “Magbihis ka na at bumalik ka dito.” Napapailing kong sambit. “Mamaya ka sa'kin Denzel.” Reklamo niya at pabadog na isinara ang pintuan ng opisina ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa tuwing nasa harap ko si Genevieve ay para bang kinakabahan at hindi ako mapakali. Siguro ay dahil hindi pa rin ako sanay sa presensya niya hanggang ngayon? Para akong baliw na nakangiti mag isa habang pinipilit ang sarili na mag focus ulit sa ginagawa ko. Kailangan kong matapos ito para kahit papaano ay makapag pahinga naman ako. I am tired, ilang araw na akong walang tulog at pahinga, and I do feel like anytime soon ay babagsak na ang katawan ko. Mukhang ako ang kauna unahang iraratay sa ospital sa aming lahat na nag tatrabaho sa kumpanya ko. “Daig mo pa mag i-sleep over sa suot mo.” Pambating bungad ko kay Genevieve na kakapasok lang ulit sa opisina ko while wearing her pajama. “Walang may pake alam sa opinyon mo.” Inis niyang sambit at padabog na umupo sa sofa na nasa harapan ng table ko. Masama nanaman ang timpla sa akin, paniguradong nakuha ko nanaman ang pikon niya sa pang aasar ko kanina. “Asar talo.” Pag paparinig ko. “Dedma sa mga masasama ang ugali.” Parang bata niyang sambit habang masama pa rin ang tingin sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya. Inilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng sofa dahilan para makulong siya sa bisig ko. She looks shocked kaya bahagya akong napangisi. “Kamatis.” Biro ko at bago pa ako maka alis sa pwesto ko ay biglang pumasok si Gianna kasunod si Kuya Salvius sa opisina ko. “Ang pagkain ay nandi—” Hindi na natapos ni Gianna ang sasabihin dahil sa gulat. “PÚTANGINA?!” Gulat niyang sigaw matapos maka recover sa nakita. Si Kuya Salvius naman ay kitang kita ang malokong ngiti habang napapa iling na nakatitig sa amin. Mabilis akong tumayo sa pwesto ko at umayos saka bumalik sa may table ko, habang si Genevieve naman ay hanggang ngayon namumula at hindi pa rin ata nag paprocess ang ginawa ko. “Kayong dalawa ha!” Biro ni Gianna na ngayon ay tumatawa papalapit kay Genevieve. “Nandito na yung pagkain, tara na.” Pag iiba ni Kuya Salvius sa topic ngunit hindi pa rin nawawala ang malokong ngiti sa kaniyang labi. “Hoy kamatis tara na.” Sambit ko at marahang tinapik si Genevieve sa braso. Tulala pa rin kasi at mukhang hindi namalayan ang pag alis ni Gia sa kaniyang tabi. “Lumilipad na masyado ang utak mo.” Biro ko pa kaya hinampas niya ako sa aking braso dahilan para bahagya akong matawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD