KABANATA 6

1492 Words
GENEVIEVE “Good morning Nieve!” Masayang bungad sa akin ni Gianna habang nakangiti. Ang aga aga ay ang taas na agad ng energy niya. “Morning.” Natatawa kong sambit hababg nag aayos sa aking table. Naka uniform na kami ngayon at may ID na rin na suot. Naka all-black outfit ako. Suot ko yung oversized blazer na medyo loose pero ang ganda ng bagsak. Sa loob, black button-down shirt na maayos kong tinuck in sa high-waisted trousers. Simple lang pero ang neat tingnan. Yung pantalon ko mahaba, halos sumasayad na sa pointed black heels ko. “Cold or Hot coffee?” Tanong ni Gianna sabay turo sa cup na hawak ko. “Cold. I don't drink hot coffee.” Nakangiti kong sambit. Maaga pa naman kaya nakakapag kwentuhan pa kami. “Ang aga niyo naman dalawa, 8AM pa ang pasok dapat ah?” Biro ni Kuya Salvius na kakapasok lang sa opisina namin. “Ganon talaga pag ayaw sa bahay.” Biro ni Gianna na ikinatawa namin. “At sino naman ang tinatakasan mo ha?” Taas kilay kong tanong sakanya kaya napanguso siya. “Actually… Wala. Mag isa lang ako sa bahay, baka gusto mo makisama?” Biro ni Gianna sa akin kaya napailing nalang ako. “Pass, walang kasama ang Nanay at Tatay.” Natatawa kong iling sakanya. Nagpatuloy lang ang pakikipag kwentuhan ko sakanila hanggang sa mag alas otso na ng umaga. Back to normal, back to being professional na dahil dumating na rin si Haze. “Uy Nieve, tawag ka ni boss.” Sambit ni Gianna kaya napalingon ako sakanya. “Huh? Wala namang call sa akin?” Takang sambit ko sakanya at inosenteng tinaas ang telephone na nasa tabi ko. “Galing ako office niya, sumunod ka raw doon.” Kibit balikat niyang sambit kaya wala na akong nagawa at tinanguan nalang siya. Bakit nanaman kaya ako tawag non? Makikipag away nanaman siya sa'kin? “Why?” Tanong ko matapos kong pumasok sa kaniyang office. Whenever na dalawa lang kami ay lumalabas talaga ang magiging maarte at palasagot ko sakanya. Paano ba naman kasi ay kuhang kuha nanaman niya ang inis ko, palagi. “Ganyan ba tamang makipag usap sa boss mo?” Taas kilay niyang sambit kaya napa irap ako. Ang aga aga ay sinusubok nanaman niya ang pasensya ko. “Ano nga?” Bagot kong sambit sakanya. Hindi para pekein ang ugali sakanya ngayon. “Arte.” Reklamo ni Haze dahilan para mapataas ang kilay ko. “Create a full list of company contacts and update info before lunch. I need complete phone numbers, emails, and even the designations. No errors allowed.” Seryosong sambit ni Haze kaya napairap nalang ako sa kawalan. Nag sisimula nanaman siyang bagsakan ako ng maraming gawain na akala mo naman hindi ko matatapos sa oras na binigay niya. “Ano pa?” Bagot kong sambit habang naka crossed arms sa harap niya. “Compile all reciepts and invoices for audit before end of the day. And also prepare a full monthly schedule for me. I need this in the afternoon.” Dagdag pa niya. “Okay, yun lang ba?” Tanong ko at tanging tango nalang ang kaniyang itinugon kaya lumabas na ako sa opisina niya. “Mukhang masama timpla mo ah?” Biro ni Gianna kaya napanguso ako. “Sinusubok nanaman kasi ni Haze pasensya ko.” Reklamo ko at padabog na naupo sa aking table. “Marami nanaman ba binigay sayo?” Natatawa niyang tanong. “Sakto lang, tatlo lang kaso kumpol nanaman ito and besides may mga gawain pa ako na hindi niya need iutos na tinatapos ko.” Napapa iling na sambit ko. Nang matapos kong gawin ang mga kailangan before lunch ay agad ko na rin sinimulan ang monthly schedule na hinihingi niya sa akin. For sure naman ay ididiscuss ko lang din sakanya iyon araw araw. “Ay nga pala Nieve, balita ko ay kailangan mo na raw mag stay-in kay Haze?” Biglang sambit ni Gianna na ikinatigil ko. Hindi pa naman sinasabi sa akin ni Haze na kailangan ko na yan ngunit expected ko rin na mangyayari naman at fully sched talaga siya sa dami ng kailangang asikasuhin. “Overtime tayo ha.” Biglang sambit ni Kuya Salvius na naka silip sa pintuan ng office namin ni Gianna. “Luh!” Reklamo ni Gianna. “Seryoso ba?” Nakanguso niyang sambit kaya tumango lang ako at bahagyang pinakita ang ginagawa kong schedule ni Haze. “See? Kailangan natin.” Biro ko pa sakanya. This month, sobrang busy ng schedule ni Haze. Sa unang linggo, ang focus niya ay strategy at leadership meetings. Tuwing Monday morning, kailangan ay maaga siyang nagigising, usually around 6:30 AM, para magbasa ng world news at tech updates habang nagkakape. Pagdating ng 9:00 AM, may meeting siya with the executive leadership team para pag-usapan ang company performance, projects, at goals. Pagkatapos, may meeting naman siya with the CFO para i-review ang financial reports at forecast ng kita. Sa tanghali, may lunch meeting siya with one of the board advisors, tapos sa hapon kailangan niyang mag-review ng quarterly plans at updates mula sa HR team tungkol sa employee development. Tuwing Tuesday, focus naman siya sa clients and partnerships. Nagsisimula siya sa morning meeting with global partners, tapos may kasunod na meeting with heads ng Sales, Marketing, and Operations. Minsan, ina-approve niya rin ang mga bagong project proposals at budget requests. Sa hapon, ginagawa niya ang preparation para sa investor presentation at branding updates. Sa gabi naman, uma-attend siya sa mga networking events or business dinners para makilala ang ibang company leaders. At syempre, tangay tangay pa rin ako at si Kuya Salvius. Sa Wednesday, innovation at people connection naman ang priority. Nagkakaroon siya ng R&D meeting sa umaga para pag-usapan ang mga bagong projects, AI developments, at sustainability goals ng company. Minsan, may virtual meeting din siya with international investors. Sa hapon, umiikot siya sa office para kumustahin ang mga employees, gusto niyang marinig mismo sa kanila kung ano ang mga challenges at successes sa trabaho tapos mananakot para lalong mapressure, napaka loko loko diba? And before mag-end ang araw, may review siya ng CSR programs, tulad ng mga community projects o environmental initiatives. Minsan napapaisip nalang din ako kung paano napagkakasya sa isang araw ang ganito ka tight na schedule. Ang hirap, nakakapagod. Thursday is more on strategic meetings and planning. Madalas siyang may virtual conference with other offices abroad, like sa Asia or Europe. Kasunod nito, nagre-review siya ng mga upcoming marketing campaigns at product launches. Sa hapon, kasama niya ang COO at CMO sa brainstorming session para pag-usapan ang new ideas at marketing direction. Before ending the day, may meeting siya with the legal and compliance team para siguraduhing okay lahat ng business policies. Friday is more relaxed day sa CEO, sakin hindi. Sa umaga, may “Coffee with the CEO” session siya, casual meeting kasama ang mga employees para makinig sa feedback at suggestions. After lunch, nagre-review siya ng reports and upcoming board meeting agenda. Sa hapon, gumagawa siya ng end-of-week summary at reflections. Minsan, nagdi-dinner siya with investors or other executives before heading home. Usually tuwing Saturday, nagsisimula siya ng 9:00 AM, reviewing reports and preparing for the next week. Minsan, may short meeting siya with his Executive Assistant para ayusin ang schedule for the coming month. Pag tanghali, uma-attend siya sa community outreach programs or CSR events, gusto niyang personally makita ang impact ng company projects. Sa hapon, ginagamit niya ang time para sa personal planning, journaling, or quiet work. Before evening, tapos na siya sa lahat para makapagpahinga, na hindi rin naman niya ginagawa. And last, Sunday is our official rest day. Walang meetings, walang emails, puro family time, relaxation, at self-care lang. For him, mahalagang magpahinga at mag-reconnect sa sarili para makabalik sa Monday na full of energy and focus. “Argh!” Mahinang sambit ko habang nag uunat ng aking katawan. Alas tres na pala ng hapon, sakto at break time na. “Tara kain Gianna.” Pag aaya ko kay Gianna kaya bahagya siyang lumingon sa akin at tumango. “Saglit lang, tapusin ko lang ito.” Sambit niya kaya ngumiti naman ako at nilapitan siya. “Alin ba diyan ang nahihirapan ka?” Natatawa kong tanong dahil kanina pa siya stress na stress na nakaharap sa computer. “Eto.” Sambit niya habang tinuturo ang screen ng monitor. “Madali lang pala e.” Biro ko at saka pinaliwanag sakanya ang mga kailangang gawin hanggang sa nakuha niya at natapos na ang gagawin. “Wala na tayo gagawin pareho, pero overtime pa rin?” Reklamo niya sa gitna nang paglalakad namin dalawa palabas ng office. “Oo, wag mo muna hilingin at mamaya ay biglang tumambak yan, mahihirapan tayo pareho.” Biro ko sakanya habang napapailing. Medyo busy ang araw namin ngayon sa dami ng gawain, what more pa kaya sa susunod na araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD