HAZE
“Are you ready, Haze?” Seryosong tanong ni Daddy kaya bahagya akong tumango, “Opo.” Sambit ko.
“Saan po ba tayo pupunta Mommy? Daddy?” Nagtataka kong tanong sakanila. They look so serious kaya medyo nakakaramdam na rin ako ng kaba.
“We're just gonna eat somewhere, I heard kay Kuya Salvius na with highest ka raw?” Tanong ni Daddy habang seryosong nakatingin sa harapan at focus sa kaniyang pagmamaneho.
“Yes po. Possible po na ako po yung mag valedictory speech po sa graduation.” Nakangiti kong sambit.
Nakita ko naman ang bahagyang pag ngiti nila pareho kaya gumaan na ang loob at pakiramdam ko.
“Mabuti naman, aabangan namin yan ha?” Sambit ni Daddy at bahagyang lumingon sa'kin.
“Kiro!” Rinig kong sigaw ni Mommy at saka mabilis akong hinitak papalapit sakanya.
Masyadong mabilis ang mga nangyari, ang tanging naalala ko nalang ay kung paano ko makita ang pag salpok namin sa sasakyan.
Nang maidilat ko ang aking mata ay umuusok na ang unahan ng sasakyan. Sinusubukan kong gisingin si Daddy ngunit hindi na siya dumidilat o miski humihinga. All I can see is blood in their head, arms, at halos buong katawan nila.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, nagsisimula na rin akong matakot at umiyak. “H-haze.” Pag tawag ni Mommy sa akin dahilan para mapabaling sakanya ang aking atensyon.
“M-mom!” Umiiyak kong sambit habang pilit na hinahawakan siya sa kaniyang kamay. Kitang kita ko kung paano siya manghina at mahirapan gayong naipit siya sa kaniyang kinauupuan.
“L-labas na ikaw dito.” Nakangiti niyang sambit habang hinang hina niya akong tinataboy.
“Mom, I-i don't get it.” Umiiyak kong sambit habang umiiling. Ayokong iwan sila ni Daddy dito sa kotse.
“P-please Haze? A-alam kong nag kulang kami ni D-daddy mo sa'yo. I-iligtas mo ang sarili mo, nakikiusap a-ako.” Sambit niya habang bahagyang pumapatak ang luha sa kaniyang mata.
Wala akong naiintindihan sa nangyayari, nakakaramdam na rin ako ng kirot sa aking katawan ngunit balewala lang ito sa akin dahil sa pag aalala kila Mommy.
“H-haze leave us here. M-masaya si Mommy at Daddy na with h-highest ka, p-proud kami palagi sa'yo a-anak. M-mahal na mahal ka namin H-haze.” Hinang hinang sambit ni Mommy na mas lalong ikinaiyak ko.
For the first time sa tanan ng buhay ko, narinig kong tawagin ako ni Mommy ng ‘anak’ at narinig ko rin na sabihin niyang mahal nila ako.
“M-mom.” Umiiyak kong sambit.
Ayokong umalis, ayokong iwan sila ni Daddy sa loob ng sasakyan. I want to stay here, kung mawawala sila ay dapat mawala na rin ako. Isang pamilya kami, para sa susunod na buhay ay magiging pamilya pa rin kami, kumpleto pa rin kami, at siguro sa susunod na buhay ay maiparamdam na nilang anak nila ako, na mahal nila ako.
At bago pa ako makapag salitang muli ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Nang magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na silid na ako.
“Kuya Salvius?” Nagtataka kong tanong nang mapansin kung sino ang lalaking nasa gilid ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” Seryosong tanong niya habang titig na titig sa akin.
Bago pa ako sumagot ay naalala ko na agad sila Mommy. “Kuya sila Mommy po?” Mabilis kong tanong habang nakakaramdam na ng kaba sa aking dibdib.
Agad na nag iwas ng tingin si Kuya Salvius. “You should rest for a while. Hindi ka pwedeng mabinat.” Mahina ngunit seryosong sambit niya.
“Kuya.” Mahina kong sambit habang nakatingin sakanya.
Panaginip lang naman yon hindi ba?
“Haze.” Sambit ni Kuya Salvius at muling nag iwas ng tingin.
“Kuya ano po bang nangyari?” Takang tanong ko habang titig na titig sakanya.
“N-naaksidente kayo Haze. Bumunggo ang sinasakyan niyo sa isang truck dahilan para maipit sa unahan si Tito at Tita.” Seryoso niyang sambit.
Hindi naman ako ganon ka walang muwang sa mundo para hindi maintindihan at malaman ang nangyayari. Pero hindi ko rin mapigilang mapatulala habang pinoproseso ang nalaman.
“K-kuya kamusta po sila?” Mahinang tanong ko.
“Haze.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius kaya mas lalong kumabog ang aking dibdib. Alam ko na ang kaniyang sagot ngunit mas gusto ko pa rin na malaman at marinig kay Kuya ang totoo.
“P-pwede ko po ba silang makita?” Mahinang sambit ko habang pinipigilan ang aking luha.
Tumango si Kuya Salvius at inalalayan ako para lumabas sa aking kwarto at puntahan sila Mommy.
I saw them lying in the hospital bed, may takip na puti ang buo nilang katawan. I was so lost, sa murang edad ay nawalan ako ng magulang, ni hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila, ni hindi ko man lang naranasan na sabay kaming kumain tatlo, gumala, o kahit mag bonding.
Ang tanging nilu-look forward kong valedictory speech sa graduation ay nawala nalang din ng parang bula. Wala na si Mommy at Daddy, wala na akong parents.
Tulala lang ako habang nakatayo sa harap ni Mommy at Daddy, si Kuya Salvius naman ay nasa gilid ko lang at mahigpit ang hawak sa kanang kamay ko.
Wala na akong maramdaman, blanko ang utak ko at hindi na rin matigil ang pag buhos ng luha ko.
Sa murang edad ay nawalan ako ng magulang. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit binuhay pa nila ako gayong matagal naman ng patay ang pagkatao at puso ko.
Lumaking hindi affectionate sa magulang na tanging sa huling pagkakataon na humihinga sila ay saka ko lang narinig ang salitang ‘anak’ ang mga katagang ‘proud’ sila sa akin at ‘mahal’ nila ako bilang nag iisang anak.
“Haze halika na.” Pag aaya sa akin ni Kuya Salvius at mukhang hindi na siya makatiis sa kalagayan ko.
Alam kong naaawa siya sa akin, nahihirapan din siya gaya ko ngunit wala naman na kaming magagawa. Ang tanging kaya ko lang ay ang pag masdan sila habang naka taklob ang puting kumot sakanila.
I lost my parents. I lost everything.
Ang dating walang kulay na buhay ko ay mas lalong maging madilim. I have no one else, mag isa nalang talaga ako.
Kung dati at hinihiling ko na sana mag isa nalang ako tutal ay ganon naman na sa pakiramdam ko ay hindi pala dapat. Mas okay pa rin na buhay ang magulang ko kahit ramdam kong solo at nag iisa lang ako, kesa ngayong alam kong wala na sila pareho.
Wala na akong rason para excited na umuwi o gumising. Wala na akong sasalubungin o pag kukwentuhan kahit madalas ay hindi sila nakikinig. Kahit madalas ay abala lang ako.
“Kuya.” Nakangiti kong sambit habang patuloy pa rin sa pag bagsak ang aking mga luha.
I know for a fact that I am hurting. Kahit sino naman siguro, lalo na kapag nawalan ka ng mahal sa buhay.
“It's gonna be okay Haze.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius habang marahan akong niyakap.
****
“Haze, Haze.” Rinig kong sambit ni Kuya Salvius habang marahan akong tinatapik sa aking balikat.
“Mhm.” Tugon ko. Masyado pang inaantok para imulat ang akinng mga mata.
“Binabangunot ka.” Seryoso niyang sambit dahilan para matigilan ako.
“Panaginip lang lahat yon?” Tanong ko sa sarili ko.
“Death Anniversary na nila Tita, hindi ka ba bibisita?” Tanong ni Kuya Salvius na ngayon ay nakatingin sa kalendaryong nakalagay sa side table ko.
“Mamaya palang.” Tipid kong sambit.
Mag mula ng mamatay ang magulang ko ay mas lalo lang lumayo ang loob ko sa mga tao sa takot na maka abala at maka disturbo lang ako sakanila. Hindi ko rin alam ang salitang ‘pagmamahal’ dahil hindi ko naman naramdaman o kahit naranasan yan.
“Gusto mo bang sumama ako?” Tanong ni Kuya Salvius at tango lang ang itinugon ko sakanya.
Hindi na rin ako maging madaldal gaya ng dati, nasanay akong tahimik at pili lang ang mga taong kinakahalubilo at kinakausap. Aware akong takot ang mga tao sa akin, but I don't get it kung bakit. Tao rin naman ako? Pare pareho lang naman kami?
Kuya Salvius became my right hand matapos kong mas mapalawak ang Dawson Corp. Naiintindihan ko na wala siya noon sa mga panahon na kailangan ko dahil may sarili siyang pamilya at may sarili siyang buhay. Ngayon na bumalik siya ay hindi na ako nag dalawang isip na gawin siyang kanang kamay. And with the help of his guidance ay mas lumawak at lumago ang kumpanyang iniwan sa akin ni Mom and Dad.
“How's Genevieve?” Pag iiba ni Kuya Salvius sa topic.
Hindi ako sumagot, bagkus ay sinamaan ko lang siya ng tingin. All of a sudden inaasar nanaman niya ako sa sekretarya ko. As if I care?
“She's feisty, hindi man lang natakot o nasindak sa'yo. Ibang klase.” Natatawang sambit ni Kuya Salvius and he looks so amused.
“Naririnig ko nga minsan ang pagtatalo niyo. For the first time ay mayroong sumasagot pabalik sa'yo.” Dagdag niya pa.
“Tigilan mo ako Kuya.” Reklamo ko sa pang aasar niya. I have no time to entertain his shít dahil alam ko namang hindi matatapos ang isang buong araw na hindi niya ako binibiro sa sekretarya kong maarte.
“Unang kita ko palang sakanya ay tiwala agad ako na matatanggap siya. Saktong sakto sa'yo para mabalanse ka.” Nakangiti niyang sambit habang naka sandal sa bangkuan.
“f**k off.” Reklamo mo at uminom sa aking baso, nasa kusina na ngayon at kumakain ng umagahan na niluto ng maid para sa amin dalawa.
“Ang aga aga nasa bahay kita. What do you need?” Pag iiba ko sa topic.
“Aayain lang talaga kita dumalaw sa puntod nila Tita. Ang tagal na natin hindi nakakabisita ron.” Seryoso niyang sambit kaya tumango lang ako.