bc

Señorita

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
age gap
lighthearted
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Ang ikalabing walong taong kaarawan ni Emilia Valdez ay nalalapit palamang ganapin nang ang kanyang mga magulang ay pumanaw matapos bumagsak ang eroplano na kanilang sinasakyan.

Si Emilia ay naiwan sa bahay na may dalawang palapag; mag-isa at malungkot. Sa kadahilanan na wala siyang ibang masasandalan, siya ay walang pagpipilian kung hindi ang ipagtanggol at buhayin ang kanyang sarili. Dahil dito, humantong siya sa maraming kalokohan at maling desisyon sa buhay.

Sa buhay na walang magulang upang bigyan siya ng gabay, siya ay nahulog sa mga lalaki nang paulit-ulit at sobra-sobra hanggang sa punto na kanyang ibinibigay sa kanila ang lahat, pati narin ang kanyang p********e.

Natagpuan niya ang kanyang sarili na nagnanasa para sa pag-ibig mula sa pangunahing tatlong lalaki sa kanyang buhay: ang kanyang kasama sa trabaho na unang kumuha ng kanyang p********e, ang kanyang kababata na pinaglaruan lamang siya, at ang kanyang guro sa kolehiyo na nagbigay sa kanya ng pribadong pagtuturo.

Subalit sa dulo, ang tatlong lalaking ito ang nagdulot ng kanyang pagka-sawi at pagkasira. Pipigilan kaya ng paghihinagpis nang kanyang puso ang kanyang pagnanais sa pag-ibig o magiging dahilan ito ng nag-aalab na damdamin para sa bagong pagnanasa na maaaring maging dahilan ng bagong paghihinagpis

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Siya si Emelia Valdez Crawford, mas kilala bilang Emmie. Nagsimula ang mala-roller coaster na biyahe ng kaniyang buhay noong siya ay labing pito na taong gulang, ilang buwan bago ang kaniyang kaarawan. Sa kaparehong taon na rin iyon nasawi ang kaniyang mga magulang mula sa nakamamatay na aksidente sa eroplano. May 20, 2018 “Emmie! Emmie!” tawag iyon mula sa kaniyang matalik na kaibigan na si Oddette. Abala siya sa pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman nang narinig niya iyon. “Nandito ako sa likod ng bahay!” sigaw niya. “Napanood mo na ba iyong balita?” tanong nito. Puno ng pag-aalala at takot ang mukha. Nangunot ang noo ng dalaga. “Ano’ng balita?” “Halika.” Hinawakan ni Oddette ang kaniyang kamay at hinila siya papasok ng bahay. Dumiretso sila sa may sala, at nang nakarating sa tapat ng telebisyon ay kinuha nito ang remote upang ilipat ng channel. FLASH REPORT 236 na pasahero, kasama na ang dalawang piloto, patay sa pagbagsak ng eroplano sa North Cagayan, ngayon. “Labis na nakagugulat at nakababahala na makatanggap ng balita ng pagbagsak ng eroplano (AR-1429) ng North Cagayan Supreme Airline noong ika-20 araw ng Mayo 2018, bandang 5:05 PM sa North Cagayan, Bundok ng Sierra Nevada. Kabilang sa mga numerong ng mga namatay sa flight ng AR-1429 ay ang bagong kasal, ang pamilya nito na dadalo sa kasal, mga bata kabilang na rin ang bagong panganak na sanggol, at dalawang piluto. Ayon sa balita, ang pagbagsak ay dahil sa pagpalya ng buntot ng eroplano, dahilan nito ay ang pilot error in wake turbulence (pagpalya na nabubuo sa likod ng isang eroplano habang dumadaan ito sa hangin). Ito ang pangalawa sa pinakanakamamatay na pagbagsak ng eroplano sa kasaysayan na nangyari noong June 25, 1979. Narito ang listatahan ng mga pasahero ng eroplano.” Her knees trembled, weakened in a vulnerable state. All of the color in her face turned white thus, her breathing became rapid and uncontrollable. Naimbitahan sila para dumalo sa kasal ng kaniyang pinsan na gaganapin sa isang isla. Dapat ay pupunta siya roon, pero dahil sa kaniyang huling pagsusulit ay hindi siya nakapunta. Parang nauupos na kandila si Emmie, at hindi mapakali sa kaniyang puwesto. She had a hard time keeping herself in a standing position to which she almost collapsed if it weren't for her best friend. Mahigpit na hinawakan ni Oddette ang kaniyang braso para alalayan siya patungong sofa. Her throat felt dry and sore. What will happen now? Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang nabalitaan niya ang nakagigimbal na pagkamatay ng kaniyang magulang. She was idly sitting, alone and sad in her seat while mourning the deceased. She didn't know what to do anymore nor does she have any will at all. Ang tanging alam niya lang ay lumalaki siyang manhid sa bawat pagsapit ng mga araw. Oddette lightly tapped her on the shoulder. Palaging nandiyan ang kaibigan niya para sa kaniya, mula nang nakita ang balita hanggang sa inilibing ang kaniyang mga magulang. Isang buwan na ang nakalipas simula nang siya ay naging ulila. Hindi na siya nasasamahan ng kaniyang magulang sa dalawang palapag nilang bahay, at mag-isa nang nabubuhay ngayon. Sa malayong lugar pa naman naninirahan ang kaniyang mga kamag-anak, ngunit mas pinili niyang manatili sa lugar kung saan marami siyang alaala mula sa kaniyang pamilya. Emmie closed her eyes, feeling the remnants of her deceased parents. Ang tanging magagawa niya na lang ay manatiling matatag at ligtas. Wala siya masyadong nalalaman tungkol sa pamilya ng kaniyang magulang bukod sa mayroon siyang lola. Napabuntonghininga siya. Isang housewife ang kaniyang ina, habang ang kaniyang ama ay nagtrabaho sa opisina ng gobyerno bilang tagasalaysay. Namuhay sila nang simple. Habang tinitingnan ang maluwang na espasyo ng bahay, lumibot ang mata niya para titigan ang lugar kung saan madalas na naroon ang kaniyang magulang. Palagi niyang nakikita ang ina na nagluluto, habang ang kaniyang ama ay uupo sa sofa at manonood ng telebisyon. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mukha. Dalawang palapag ang bahay na may dalawang kuwarto. Masasayang iyon kung hindi magagamit, isa pa ay kailangan niya ng kahati sa mga bayarin na nagtulak sa kaniya na maghanap ng kasama na gagamit sa isang silid. Tumama ang liwanag ng araw sa kaniyang balat habang nararamdaman niya ang pagtaas ng temperatura sa bawat araw. Simula na iyon ng tag-init at bakasyon mula sa eskuwelahan, nang napagdesisyunan niyang maghanap ng trabaho pandagdag sa kaniyang mga gastusin. Lucky enough, she was the top in her class and she’s eligible to receive scholarship. Naging daan iyon para mapili siyang mabigyan ng scholarship sa kaniyang paaralan, bukod pa iyon sa allowance na natatanggap niya sa opisyales ng gobyerno sa kanilang bayan. “Handa ka na?” Boses iyon ni Oddette. Maghahanap sila ng trabaho sa syudad na tama lang sa katulad nilang estudiyante. Sa sandaling paghihintay niya sa pagdating ng kaibigan, napaangat siya ng tingin sa maaliwalas at asul na kalangitan. Magkaibigan na sila simula noong bata pa hanggang sa sila ay nagdalaga; pareho rin sila ng gusto, at kung paanong ang kanilang bahay ay naroon at magkatabi; magkapitbahay sila. Nang dumating ang pamilya ni Oddette ay pumara sila ng tricycle patungo sa mismong syudad. Aabutin ang kanilang biyahe nang kalahating oras. Una, nag-apply sila sa isang fast food restaurant, ngunit hindi sila natanggap dahil sa wala ng bakante. Dumiretso sila patungo sa may parking area kung saan nakakita sila ng pizza shop. Dahil sa nakaaakit na amoy pagkain mula sa lugar, tumunog ang tiyan ni Emmie. Isang oras na rin simula nang naghanap sila ng trabaho, kaya natural lang na gugutumin sila. Sa kagustuhan nilang pumasok sa loob at kumain, napansin nila ang isang flyer na nakapaskil sa b****a ng shop. Tungkol iyon sa pagtanggap ng trabahador bilang service crew. Napatingin sila sa isa’t isa at napangiti. Ang pangalan ng shop ay nakapaskil sa itaas, ang Pizza Lover. Nang itulak ni Oddette ang pinto para makapasok sila sa loob, ang una nilang napansin ay kung gaano kaliit ang loob na may iilang lamesa, counter, at maliit na kusina para sa pagluluto ng mga pizza. Nakakita sila ng tatlong pares ng mga costumers na kumakain; isang pamilya na may dalawang anak, magkasintahan, at dalawang lalaki na nakaupo sa may sulok. Nakasuot ang isang lalaki ng asul na denim jeans, puting Lacoste t-shirt, at black high cut converse shoes. Nakuha nito ang atensiyon niya dahil sa malapuso nitong hugis ng mukha, matangos na ilong, maninipis na labi, at makakapal na kilay na may mahahabang pilikmata. She was mesmerized by his beauty. “Hoy, naririnig mo ba ako?” Nawala ang atensiyon niya sa lalaki na nakaupo sa sulok dahil sa boses ni Oddet te. Bumalik ang tingin niya sa kaibiga

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
297.3K
bc

His Six Months Rule

read
32.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
65.1K
bc

Wife For A Year

read
72.2K
bc

My Cousins' Obsession

read
193.9K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
60.4K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
266.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook