SeñoritaUpdated at Sep 28, 2023, 01:09
Blurb
Ang ikalabing walong taong kaarawan ni Emilia Valdez ay nalalapit palamang ganapin nang ang kanyang mga magulang ay pumanaw matapos bumagsak ang eroplano na kanilang sinasakyan.
Si Emilia ay naiwan sa bahay na may dalawang palapag; mag-isa at malungkot. Sa kadahilanan na wala siyang ibang masasandalan, siya ay walang pagpipilian kung hindi ang ipagtanggol at buhayin ang kanyang sarili. Dahil dito, humantong siya sa maraming kalokohan at maling desisyon sa buhay.
Sa buhay na walang magulang upang bigyan siya ng gabay, siya ay nahulog sa mga lalaki nang paulit-ulit at sobra-sobra hanggang sa punto na kanyang ibinibigay sa kanila ang lahat, pati narin ang kanyang pagkababae.
Natagpuan niya ang kanyang sarili na nagnanasa para sa pag-ibig mula sa pangunahing tatlong lalaki sa kanyang buhay: ang kanyang kasama sa trabaho na unang kumuha ng kanyang pagkababae, ang kanyang kababata na pinaglaruan lamang siya, at ang kanyang guro sa kolehiyo na nagbigay sa kanya ng pribadong pagtuturo.
Subalit sa dulo, ang tatlong lalaking ito ang nagdulot ng kanyang pagka-sawi at pagkasira. Pipigilan kaya ng paghihinagpis nang kanyang puso ang kanyang pagnanais sa pag-ibig o magiging dahilan ito ng nag-aalab na damdamin para sa bagong pagnanasa na maaaring maging dahilan ng bagong paghihinagpis