"ANO BA 'Yan may pinatay na naman sa motel." Napapailing na saad ni Donna, kinuskos pa nito ang braso. Naroon sila sa canteen para magsnack bago umuwi. Huling klase na nila 'yon dahil absent ang profesor nila sa huling subject nila. "Nakakatakot na talaga ang mundo ngayon." Dagdag niya habang panay ang kain niya nang ice cream. Ang init kasi nang panahon. Kaya kahit sinisipon siya nag-ice cream na rin siya. "Ganyan ka siguro kumain ano?" Nakabungisngis na puna ni Donna habang isinusubo niya ang ice cream. "Bunganga mo." Saway niya dito. "As if baka mas malala ka pa." Tudyo niya dito pero nginisian lang siya nito. "Uuwi ka na ba?" Alok ni Donna na nilantakan na rin ang ice cream nito saka maarting dinilaan nito 'yon kaya napaailing na lang siya. "Hindi pa, pupuntahan ko si Noah sa off

