"ANO 'TO PAPA?" kunot noong tanong ni Maggie nang maupo siya sa couch na nasa opisina nito. Saglit itong nanahimik kaya binuksan niya ang envelop na inabot nito. Subalit napakunot noo siya nang makita ang mga larawan ni Noah na nakasout nang black rain coat, may iba't ibang anggulo at ganun na lang ang gulat niya nang makita ang walang saplot na larawan ng babae na nakahiga sa malaking black plastic bag. Halos manlaki ang mata niya saka natakpan ang bibig niya. Noah was just looking at that the naked woman. At mukhang patay na dahil sa dami ng dugong nagkalat sa katawan nang babae. No this can't be true! Takot, pagkalito at panic 'yon ang nanalakay sa didbib niya sa sandling 'yon. "Si Noah ang serial killer!" Deklara nang ama niya na tila ikinatalon nang kaluluwa niya sabay titig dit

