"Thank you for visiting her, dra." "No worries, Dr. Fegerson." At kita niyang bahagya pa nitong hinaplos sa may balikat si Yago. Hindi mawala-wala ang tingin niya sa dalawa simula nang magpunta ang babae roon. "Baka naman masira mo na ang damit ko niyan, Ana." Mabilis naman siyang napatingin kay Dok Calvin at kita niyang halos hilain na pala niya ang dulo ng polo shirt na suot nito. "Ay sorry po, dok!" At mabilis niya itong nabitawan. "Masyado lang po akong naca-carried again sa mga nakikita ko," mariing sabi niya rito. "You are really amusing, Ana. So tell me, how old are you?" seryoso ang mukhang tanong nito sa kan'ya. "Bakit, dok? May balak ka bang ipaghanda ako sa birthday ko?" Kita naman niyang mabilis itong napangiti. "Pwede rin naman." "Twenty-five pa lang ako dok, p

