Halos alas dose na ng hatinggabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Komportable naman ang higaan niya sa may gilid ng pintuan pero hindi pa rin siya makatulog. Marahan siyang tumayo at sinilip si Chloe. Nang makitang masarap pa rin ang tulog nito ay marahan siyang naglakad papunta sa may maliit na parang kusina at kumuha ng pagkain sa may maliit na ref na naroroon. Akmang isusubo na niya ang hawak niyang ubas nang biglang may kumalabit sa kan'ya. Mabilis siyang napaharap dito at akmang sisigaw nang mabilis siyang halikan nito nang mariin kaya nanlaki ang mga mata niya. Halos tumagal ng ilang segundo ang pagkakadikit ng mga labi nila bago niya ito naisipang itulak at akmang sasampalin nang makitang si Dok Yago pala ito. "Ay dok, ikaw pala iyan. Ikaw naman pabigla-bigla ka. Halika

