Nang mga sumunod na araw ay ramdam niya ang panlalamig sa kan'ya ni Yago. Ano ba talaga ang nagawa niyang mali? Nabahuan ba ito sa p***y niya? Napangitan ba sa stretchmarks niya? Nalakihan ba sa bilbil niya? Nalumod ba ito sa mga dibdib niya? "Huy, ang lalim ng iniisip mo ha?" Ngisi ni Calvin sa kan'ya. Nasa may gate kasi siya at nakaupo roon. "Ikaw pala, Calvin." At pekeng ngumiti. "Oh? What's with the face? Hindi ako sanay na ganyan ka," seryosong sabi ni Calvin sa kan'ya. "Masakit kasi," sagot niya rito. Kita naman niyang napakunot ang noo nito. "Masakit? Ang alin?" "Ang bulsa ko, wala pa kasi akong sahod. Baka naman pwede mo akong ilibre?" Ngising sabi niya. Ayaw niyang ipakita rito na nalulungkot siya. "Iyan lang pala eh. Teka hintayin mo ako riyan, kukuhanin ko lang ang moto

