"What? Are you out of your mind? Sino ka para magdesisyon para sa akin?" mariing sabi ni Yago rito. "Ako lang naman ang ina ng mga anak mo, Yago. Kung hindi dahil sa akin ay wala sila!" galit na sabi nito. "Really? At kailan ka pa nagpaka-ina sa mga anak mo? You don't have any single right to tell me what to do." "Fire her and I will not leave you anymore. Ayusin natin ang pamilya natin. Yago, para na lamang sa mga bata," pakiusap pa nito. Sa puntong iyon ay bigla siyang kinabahan. Paano kung pumayag si Yago sa gusto nito? Maiiwanan na siyang mag-isa, at bukod pa roon ay naisuko na niya ang perlas niya. "Ana, can you leave us for a second?" seryosong baling ni Yago sa kan'ya. Matagal muna niya itong tinitigan bago siya tumango. Ayan na, ito na nga ba iyon? Lalayuan na nga ba siy

