Nang tignan niya ang orasan sa may cellphone niya ay halos mag-aalas dose na ng tanghali. Mukhang male-late pa siya sa oras ng tanghalian para sa birthday ni Ryan. Halos ilang minuto pa at nakarating na rin siya sa lugar at kita niya na isa pala itong mamahaling restaurant. Bigla tuloy siyang parang nag-alangan na pumasok. Akmang papasok na sana siya nang may isang kamay ang unang humawak sa may hawakan ng pintuan kaya napatingin siya rito. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at bigla pang nahulog ang hawak-hawak nitong bag. Mabilis naman siyang yumuko para kunin ito. Kita niya pang bahagyang nanginig ang mga kamay nito nang kunin nito mula sa kan'ya ang bag. "Okay ka lang ba, miss?" takang tanong niya rito. Bahagya naman itong tumango pero kita niyang parang tako

