"Y-Yago, hayaan mo akong—" "Just save it, Ana," mariing putol nito sa dapat ay sasabihin niya at hindi na siya nito pinansin hanggang sa makauwi na sila ng bahay. "Yago, pasensiya ka na—" "Hi, babe! Naputol ang sasabihin niya nang salubungin sila ni Diana at Fiona. "Dad, come on lets eat na. Mommy cooked for us," masayang sabi ni Fiona sa tatay nito. "Oo nga, babe. I cooked your favorite ginataang kalabasa," masayang sabi nito. "Lets go na, dad!" At inakay na ito papasok ni Fiona sa loob ng bahay nila. Siya naman ay biglang natigilan at napatingin sa mga ito, bakit pakiramdam niya ay na out of plate siya? Dahil sa ayaw niyang makagulo sa mga ito at mukhang galit sa kan'ya si Yago ay minabuti na lamang niyang dumaan sa may likuran para hindi niya makita ang mga ito pagkatapos ay

